Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 34
"Huwag ka na kasing killjoy! Sa magkakaibigan, ikaw lang ang mawawala sa birthday ni Eya. Magtatampo iyon sa'yo."
Bumuntonghinga ako. Ramdam ko na hindi na ako hahayaan nina Frances na hindi sumama sa kanila sa beach kung saan gaganapin ang birthday ni Eya, isa sa mga kaibigan namin.
"Ano ba kasi ang dahilan at ayaw mong sumama? For the past years, you were always present kapag birthday ng isa sa atin, hindi ba?" tanong naman ni Kendra.
Pinagtutulungan na nila ako. At kahit pa magdahilan ako, siguradong hindi rin nila ako paniniwalaan.
Isa pa, hindi ba at ito nga ang gusto ko? Ang lumabas kasama ang mga kaibigan para malibang ako at hindi na siya isipin palagi.
Ewan ko ba. I just don't feel like going out these past few days. Mas gusto ko na lang ang magkulong muna sa kwarto at mag-aral. Pero minsan, sa gitna ng pag-aaral ay nakakatulog rin ako.
"I'm sure that place will help you unwind. Tayo lang naman ang naroon at siyempre, mga jowa. Don't worry hindi ka naman namin iinggitin."
Sinamaan ko ng tingin si Frances. She only made a peace sign that earned a sigh from me.
"Fine. I'll come with you. Nakakarindi na rin ang boses ni Frances." seryosong sabi ko ngunit nagbibiro lang.
Humalakhak si Frances at yumakap sa akin. Ang ilang lalaki sa cafeteria, napapatingin sa gawi ko. They were even smiling at me but I wasn't in the mood to smile back.
"Thanks, Izza. Alam ko naman na hindi mo ako matitiis."
Bumuntonghinga ako. Partly true. But I guess the main reason why I gave in to their invitation was I am hoping... still... that even just for a minute... I'd forget him.
Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy tungkol sa weekend trip sa La Union. Pumayag naman sila dahil kilala na rin nila ang mga kaklase ko. They knew I won't do something stupid that will bring me close to danger.
The last time I made a stupid decision was when I stayed in Argao and let myself fall for him.
Hinatid ako ni Mommy sa bahay nina Frances kung saan doon magkikita kita ang lahat bago bumiyahe papuntang La Union.
"On the way na rin si Geisler." anunsyo ni Frances habang nakatingin sa cell phone. "He's bringing his Raptor. Saan mo gustong sumabay, Izza?"
Nagkibit balikat ako. Hindi pa man nakakaalis ay nararamdaman ko na kaagad ang pagkabigat ng katawan ko.
"Kahit saan."
"Grabe. Ramdam ko 'yung energy mo today. Sobrang taas!"
Natawa ako at mahina siyang hinampas sa balikat. Natawa rin siya maging ang mga kasama namin.
"Kahit saan nga kasi."
"Ewan ko sa'yo."
I leaned my head against her shoulder. Nasa simento na kaming lahat at nakaupo. Lahat ng mga gamit namin ay nasa simento na rin. Kung wala lang kami sa village, siguradong magmumukha kaming mga tambay sa isang kanto.
"Inaantok ako, Frances." tamad na bulong ko sa kaibigan.
"Puyat ka na naman ba?"
"Hindi naman. I slept early actually. Ewan ko pero ang bigat ng pakiramdam ko."
"Matulog ka na lang mamaya sa backseat para may lakas ka mamaya pagdating sa elyu."
Tumango ako nang hindi na nagsalita pa. Hindi kalaunan ay huminto malapit sa amin ang isang itim na Ford Ranger.