Chapter 31

12.3K 243 25
                                    

Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 31

How should I react with the truth that he has a son with Ruth? Kung paiiralin ko ang pagiging isip bata ko, magagalit ako sa kaniya at isusumbat ang lahat ng pangako niya sa akin noon.

Pero kung iisipin mabuti, walang dahilan para magalit ako dahil may anak siya kay Ruth. He met her even before me. Iyong nangyari sa kanila, hindi naman lingid sa kaalaman ko.

I knew that he toyed her. Hindi ako sumang-ayon doon dahil labag iyon bilang isang babae rin ako. Kung nagkaanak man sila, walang kasalanan ang bata. At aminado akong hindi ko man gusto ang nagiging reyalidad namin ngayon, hindi tamang inilihim ni Ruth kay Duke ang tungkol sa bata.

Maaaring galit siya at ayaw niya nang magkaroon ng koneksyon sa mga Monasterio matapos ang nangyari noon. But still, she should have let her son meet his father.

If there's one reason why I am this furious, that's because he ghosted me instead of telling me about the situation right away.

Alam naman niyang naghihintay ako ng paramdam mula sa kaniya. Kung nasabi niya nang mas maaga, hindi ako magagalit. Kung ipinaalam niya lang sana sa akin kaagad, susubukan ko siyang intindihin.

Pero ang desisyon ko, mananatiling kakalas mula sa kaniya. Hindi ko alam kung magagawa kong makisama sa isang lalaki na mayroon ng anak.

As much as I don't want to admit it, I can feel that if I decide to associate myself with him... at the end... everyone will see me as the villain in the story.

"Izza?"

Napahinto ako sa akmang pag-akyat sa hagdan ng bahay nang marinig ang boses na iyon ni Mommy. Kakauwi ko lang mula sa pagkikita namin ni Duke at hindi na makapaghintay pa na mapag-isa.

"Yes, Mommy?" my voice trembled.

Pinilit ko lunukin ang mga luha ko dahil ayaw kong humarap sa kaniya ng ganitong itsura.

"Bakit po?" Lumingon ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

Nagsalubong ang mga kilay niya habang marahang lumalapit sa akin.

"Are you crying?"

Umiling ako. Mas lalo kong pinipigilan, mas lalo kong nararamdaman ang pagwawala ng emosyon ko.

I smiled again.

"Hindi po. I'm just tired from school-"

Just before I could finish my words, she cupped my cheek and stared intently into my eyes.

"I didn't know that being tired means having those tears in your eyes..." her tone was laced with immense worry. "What happened, anak?"

Kinabig niya ako palapit sa kaniya. Sa gitna ng hagdanan, yumakap ako nang mahigpit at isiniksik ang mukha sa gilid ng kaniyang leeg. Pakiramdam ko, ngayon ko pa lang mailalabas ang lahat.

I pour all my tears out on her chest. She struck my back along with my hair and let me stay that way for the meantime.

"Calm down, Izza Beatrice. Ano ba ang nangyayari? You are starting to make me worry. Hindi ka naman iyaking klase ng tao."

Hindi kaagad ako sumagot. Hindi rin ako sigurado kung dapat ko sabihin sa kaniya ang tungkol kay Duke. Sa kabila ng nangyari, ayaw ko pa rin siyang masira sa mga magulang ko.

But it's inevitable. Malalaman at malalaman rin nila lalo pa at hindi lingid sa kaalaman nila na may relasyon kami ni Duke.

"This is my fault, Mommy. Kung sana ay hindi na lang ako nakipaglapit sa kaniya, kung sana ay hindi ko siya hinamon... hindi ko kailangan masaktan ng ganito."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon