Chapter 30

15.6K 334 86
                                    

Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 30

I waited for him to come closer. Hindi ako ang lalapit sa kaniya kahit pa gaano ako kasabik ngayong nakita ko siya.

I was hurt. He ghosted me for weeks. Ni hindi ko alam kung kanino ako puwede magtanong dahil lahat ng naiisip ko, hindi ako sinasagot.

Kung abala man siya at hindi niya ako magagawang harapin, maiintindihan ko naman. He could have texted me once. Once! That's all I was asking. Para alam ko kung saan ako lulugar.

Pero iyon ganoon kasimpleng bagay, hindi niya nagawa.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at diretso siyang tinitigan. Naglakad siya palapit, hindi rin inaalis ang mga mata sa akin.

For a moment, I felt a sudden lump constricting in my throat. Gusto kong magbaba ng tingin at iwasan siya. O kaya ay tumakbo na lang at iwan siya. Ayaw ko siyang harapin pero alam ko na hindi rin ako patutulugin ng isip ko.

"Can we talk?" he asked as soon as he stood in front of me.

I tried to find any hint through his facial expression why he was suddenly gone for the past weeks. Na baka puwedeng hindi na lang namin pag-usapan iyong totoong dahilan dahil natatakot akong masaktan sa mismong harapan niya. Na baka puwedeng takasan ko na lang?

"I only have an hour. May kailangan pa akong gawin na homework."

Titig siya sa akin. Sa sobrang riin ay kinailangan ko nang magbawi at pakawalan ang hangin na kanina ko pa iniipit sa dibdib ko.

"Get inside my car."

Tumango ako nang hindi siya tinitingnan.

"Give me your things-"

"No, it's fine. Magaan lang naman."

Nilagpasan ko na siya at naglakad papunta sa kotse niya habang hawak ang mga libro. I didn't wait for him to open the door for me just like what he used to do. Malakas ang pakiramdam ko na hindi mauuwi sa maganda ang magiging pag-uusap namin.

As soon as I settled myself inside, the door on the driver's seat opened. Nanatiling nakatingin sa kawalan ang mga mata ko kahit pa alintana ang ilang schoolmate na nakatingin sa gawi ng kotse.

The engine roared to life that made me look at him.

"Saan tayo pupunta? There's a coffee shop nearby. Doon na lang tayo mag-usap."

Hindi niya ako tiningnan at nagpatuloy sa pagmamaniobra ng manibela.

"I need some privacy with you, Izza."

Hilaw akong natawa at inalis ang tingin sa kaniya. Para saan? Magpapaliwanag lang naman siya kung bakit bigla siyang naglaho, hindi ba? Bakit kailangan pang sa pribadong lugar?

"If you are going to say something that would hurt me... and you think that I might cry in a public place..." hilaw akong natawa. "Don't worry. I ain't that pathetic."

Hindi siya sumagot. Wala akong ideya sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin, o ano man ang magiging tema ng pag-uusap namin. Pero sa paraan ng kilos at pananalita niya, alam kong masasaktan ako.

Handa na ba ako? Hindi ba at inasahan ko na ito noon pa man? Na kahit sinabi niyang may nararamdaman siya para sa akin, hindi pa rin ako dapat naging panatag.

Pero madalas, kahit pa anong pangaral sa sarili ko, nauuwi pa rin ako sa pagiging talunan.

Sa bawat paglipas ng mga segundo at minuto, lalo ko lang nararamdaman ang kirot na hindi ko malaman kung para saan.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon