"TAMA na, Vaughn."
Maingat na inalalayan ni Khalid ang gumegewang-gewang na kaibigan. Napatakip siya ng ilong nang maamoy ang malakas na simoy ng alak sa bibig nito na nakaawang.
"Nakapitong bote ka na, tama na yun."
Kinuha ni Khalid ang bote ng alak na hawak ng kaibigan. Sinubukan pa nitong kunin sa kaniya pero agad niyang inilayo ang alak at ibinalik sa ref. Kunot-noo niyang tiningnan ang kaibigan na tatawa-tawa habang nagkukuwento ng mga bagay-bagay na naririnig niya lamang sa tuwing ito ay lasing.
"Tapos pre, alam mo ba? Ang ganda shana nung gerlpren ni Hoshe Rishal pero nalaman kong pinshan niya yun. Kung hende ako nageng bantay ng mga tao, hende ko malalaman 'yon," tatawa-tawang kuwento nito habang nakatingin sa kawalan na para bang may inaalalang pangyayari.
Sa isip ni Khalid ay nababaliw ang kaibigan sa tuwing ito ay lasing. Naalala niyang minsan niya ring tinanong ang kaibigan kung mahilig ba itong manood o magbasa ng mga historical fictions na may kinalaman sa panahon ng mga kastila dahil madalas nitong bukambibig ang tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas sa tuwing ito ay lasing. Napapangiwi naman siya palagi dahil palaging 'Hindi' ang sagot ng kaibigan. Umaasa rin kasi si Khalid na hilig din ng kaibigan ang magbasa ng ganoong libro para naman may mapag-usapan silang matino. Madalas kasing loloko-loko ang kaibigan at palaging gumagala-gala kung kaya't hindi niya pa ito nakakausap nang masinsinan at may sensiridad.
Ngayon ang ikatlong araw na nalasing ang kaibigan niya. Sa lahat ng araw na nalasing ito, bukambibig nito ang kasaysayan ng Pilipinas. Bagama't natutuwa si Khalid dahil sa mga bagong nalalaman niya ukol sa kasaysayan, hindi naman niya maiwasang magtaka kung bakit ito ang palaging bukambibig ng kaibigan sa tuwing ito ay lasing. Hindi niya alam kung ito ba ay nakapagbasa na ng mga ganoong libro o may mas malalim pang dahilan kung bakit iyon ang bukambibig nito.
Nang mahimasmasan, tumayo si Khalid at kumuha ng kumot. Lumapit siya sa kaibigan at ipinatong ang kumot sa ibabaw ng katawan nito. Nakatulog ang kaibigan niya sa sofa. Nakaawang pa rin ang bibig nito kaya napangiwi siya nang maamoy muli ang alak. Gamit ang isang daliri, inusog niya ang itaas na labi nito upang sumarado ang bibig nito.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Khalid bago pumasok sa kaniyang kuwarto. Kasalukuyan itong nangungupahan kasama si Vaughn na naging kaibigan niya lang noong nagtrabaho siya sa isang cafe last year. Ito ang naging backer niya dahil hindi siya maaaaring magtrabaho roon kasi 16 years old lang siya noong time na yun. Matalik din kasing kaibigan ni Vaughn ang may-ari ng cafe na hindi niya alam kung sino. Simula noon ay naging close na sila hanggang sa pagtuntong ni Khalid ng college ay humanap siya ng uupahang apartment na malapit sa university na papasukan niya. Sakto namang malapit lang ang apartment ni Vaughn sa university kaya pinaupa na lang din siya roon.
Napasandal si Khalid sa pinto. Hindi niya alam kung hanggang kailan siyang magpapanggap na malakas sa harap ng kaibigan niya. Araw-araw niya itong kasama pero wala itong nalalaman tungkol sa pinagdaraanan niya.
Matagal nang stress si Khalid at hindi niya alam kung depressed ba siya o ano. Hindi rin siya nakapagpa-check up dahil hindi iyon kaya ng budget niya. Matagal na siyang pagod sa buhay niya. Hindi niya alam kung papaano ito lalagpasan. Hangga't hindi siya nakararaos mula sa hirap ng buhay, alam niyang hindi siya maghe-heal.
Ilang oras ang lumipas, tumayo si Khalid at lumabas ng kuwarto. Kinuha niya ang tumbler at panyo niya na nasa mesa. Tiningnan niya muna ang kaibigan at nang makitang mahimbing itong natutulog, lumabas na siya sa pinto ng apartment room na tinutuluyan nila.
_____
"NAKAKAPAGOD NA!" sigaw ni Khalid sa kawalan. Kasalukuyan itong nasa dulo ng Magsaysay Boulevard.
![](https://img.wattpad.com/cover/344023349-288-k832848.jpg)
YOU ARE READING
Eleanor (Series #1)
Fiction HistoriqueUnang Serye A young man wishes to be sent back to the Spanish era. He thinks that life was easier in those days, even though Las Islas Filipinas were under Spanish control. This is because he is tired of his life. But as they say, "Be careful of wha...