[ Kabanata IX ]
LUMIPAS ang ilang araw. Sa umaga ay bantay si Khalid, na ngayon ay tinatawag nang Mateo, sa opisina ni Luciano. Siya rin ang tagalinis ng mga kalat sa opisina. Alas siyete hanggang alas diyes ang oras niya sa trabaho. Apat na piso ang matatanggap niya kay Luciano weekly. Katatanggap lang niya ng kaniyang unang suweldo noong isang araw.
Hindi na rin naitanong ni Khalid kay Luciano kung bakit ito ginagawa ni Luciano para sa kaniya at kung ano ang intensyon nito para kay Khalid. Na-busy kasi si Luciano sa kaniyang gawain sa pamahalaan. Halos hating-gabi na kung umuwi si Luciano dahil sa dami ng gawain nito. Minsan lang din ito mahagilap nina Khalid tuwing umaga dahil madalas itong wala sa opisina. Maraming pinupuntahan si Luciano na may kinalaman sa pamahalaan at negosyo ng magulang nila. Magmula nang makarating si Luciano sa Las Islas Filipinas ay sa kaniya na rin ipinamahala ng mga magulang nila ang mga negosyo nito. Si Verena naman ay nakapokus na lamang sa kaniyang sariling negosyo.
Gamit ang panyong hawak, pinunasan ni Khalid ang namumuong pawis sa noo at leeg niya. Umaga pa lang ngunit tagaktak na ang pawis niya dahil sa init. Hindi naman malagkit ang init sa mga panahong ito dahil maraming puno sa labas at presko ang hangin kumpara sa kasalukuyan na marami nang polusyon. Gayunpaman, hindi maitatanggi ang init na dala ng buwan ng Mayo, lalo na't pawisin si Khalid.
"Mateo, maaari mo ba akong kuhain ng maiinom?"
Kunot-noong nilingon ni Khalid ang isang lalaki nang lumabas siya sa opisina ni Luciano. Sa pagkakaalam niya, isa itong lieutenant. Si Tinyente Diego Leonardo Rubia. Ito ang unang beses na may nag-utos sa kaniya nang hindi si gobernador-heneral.
"Inuutusan mo ang aking hermanito?" Sabay naman silang napalingon kay Luciano. Kararating lang nito at may hawak pang kape.
"Hermanito?" Napasinghap ang Tinyente. Muli niyang binalingan ng tingin si Khalid saka ito tumingin sa gobernador-heneral.
"Ang aking nakikita ay isang lalaking utusan, tagalinis ng iyong opisina at tagapagbantay nito."
"Mateo Isandro Paco Lecumberri Aguenza y Flores Rodeias. Siya ang aking nakababatang kapatid na lalaki."
Nanlaki ang mga mata ng Tinyente.
"¡¿Qué?! ¡¿Qué quieres decir?!" (What?! What do you mean?!) gulat na tanong ng Tinyente. Tiningnan niya pa si Khalid mula ulo hanggang paa.
"Tienes razón, Tinyente Diego. Adopté a este joven para que fuera mi hermano menor. ¿Hay algún problema con eso?" (You're right, Tinyente Diego. I adopted this young man to be my younger brother. Is there any problem with that?)
"¿Lo saben tus padres?" (Do your parents know this?)
"Por supuesto. Lo firmaron antes de volver a España." (Of course. They signed it before they went back to Spain.)
"¿Está loco, Gobernador? ¿Por qué adoptó a esa persona de repente? Ni siquiera tengo idea de quién es esa persona. ¿Desde cuándo conoce a esta persona?" (Are you crazy, Governor? Why did you adopt that person all of a sudden? I don't even have an idea who that person is. How long have you known this person?) sunod-sunod na tanong ng Tinyente.
"Anong klaseng bahay-ampunan ang iyong pinuntahan at mayroon pang ganiyang katandang bata na naninirahan sa kanila? Akin iyong ipasasara!" dagdag pa nito saka ikinumpas sa ere ang mga kamay upang ipakitang hindi talaga ito makapaniwala sa bagong nalaman.
"Mantén la calma, Tinyente. No viene de un orfanato. Se hizo mi amigo cuando visité América. Es huérfano y no tiene casa donde vivir. Siya lamang ang bumubuhay sa kaniyang sarili." (Keep calm, Tinyente. He's not from an orphanage. He became my friend when I visited America. He's an orphan and has no house to live in.)
![](https://img.wattpad.com/cover/344023349-288-k832848.jpg)
YOU ARE READING
Eleanor (Series #1)
Historische RomaneUnang Serye A young man wishes to be sent back to the Spanish era. He thinks that life was easier in those days, even though Las Islas Filipinas were under Spanish control. This is because he is tired of his life. But as they say, "Be careful of wha...