Kabanata VI

571 175 3
                                        

[ Kabanata VI ]

NAGISING si Khalid dahil sa pagtilaok ng manok. Napahawak pa siya sa kaniyang ulo dahil sa pananakit nito. Inikot niya ang kaniyang mga mata. Narito siya sa kaniyang kuwarto. Napapikit si Khalid at muling inihiga ang kaniyang katawan. Napahawak siya sa kaniyang braso at likuran nang may maramdamang kakaiba rito. Nakita niya ang halamang gamot na nakadikit sa sugat niya sa braso. Ganoon din sa likod niya nang dumikit sa palad niya ang maliliit at dinikdik na mga dahon. Inalala niya kung ano ang nangyari.

Matapos niyang matulala kahapon, bumigay na ang katawan niya kung kaya't siya ay nawalan ng malay.

Napanganga si Khalid. Kung ganoon ay hindi siya natulala dahil sa babaeng nakita? Natulala siya dahil bumigay na pala ang katawan niya.

Napatingin si Khalid sa malaking orasan na nasa tabi ng mesa. Umaga na. Tumayo si Khalid at inayos ang sarili. Ilang araw na siyang walang kain.

"Kumusta?"

"AHHH!"

Gulat na napatalon si Khalid at napahawak sa dibdib niya. Nakita niya si Luciano na nakaupo sa upuang nasa sulok. Katabi nito ang isang binibini.

Huminga nang malalim si Khalid at pinakalma ang puso niyang kinakabahan. Aatakihin siya sa gulat. Hindi niya napansin kanina sina Luciano dahil natatabunan sila ng tela na nakabagsak mula sa itaas ng higaan niya.

"Paumanhin sa nangyari sa iyo. Hindi ko inaasahan na mahusay kang magpanggap na maayos lamang. Buong akala ko ay nakakaya mo talagang tiisin ang gutom dahil hindi man lamang kakikitaan ng pagod at pagsuko sa iyong mga mata."

Bahagyang natawa si Khalid. Noon pa man ay sanay na siyang malipasan ng gutom. Ito lang ang unang beses niyang mahimatay dahil siguro dala na rin ng pagod sa biyahe at sa pag-ikot-ikot nila sa bayan upang bumili ng mga gamit.

"Wala yun, first time ko lang din naman mahimatay," aniya saka lumapit sa kanila.

Nakasandal sa sofa ang binibining katabi ni Luciano at mukhang natutulog. Nakatakip ang isang panyo sa mukha nito kung kaya't hindi niya makita kung sino ito. Pero base sa suot nitong kulay asul na pantulog, may palamuti itong rosas. Sa tingin niya, ito ang kapatid ni Luciano na huli niyang nakita bago siya mahimatay.

"Pers taym?" kunot-noong tanong ni Luciano.

"Ah, ibig kong sabihin ay unang beses. Iyon ang unang beses na nawalan ako ng malay. Napagod lang siguro. Hindi ko rin inaasahan na bibigay ang katawan ko, eh," natawa pa si Khalid at napakamot sa batok. Nahihiya siya dahil nakagawa siya ng kahihiyan sa harap ng pamilya ni Luciano.

Hindi naman mukhang nagagalit si Luciano, seryoso lang ang mukha nito ngunit may halong pag-aalala.

"Ikaw ay kumain muna." Nginuso ni Luciano ang platito na nasa mesa. Mayroon itong laman na lugaw at dalawang nilagang itlog.

Tumango si Khalid. Nararamdaman na rin niya ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Nararamdaman din niya ang hilo dahil siguro sa pagkagutom. Hindi na niya gustong mawalan ulit ng malay kung kaya't hinila ni Khalid ang isang silya sa gilid saka umupo. Bago pa niya isubo ang lugaw, nagsalita siya.

"Ang sabi mo sa akin, wala kang kapatid?"

Muling naalala ni Khalid ang dahilan kung bakit siya napatakbo kahapon papunta sa malaking pinto ng mansyon. Nagtaka siya dahil sa sinabi ni Patricia na may kapatid si Luciano.

"Sinabi ko iyon?" takang tanong ni Luciano. "Kailanma'y hindi ko malilimutan ang aking kapatid. Marahil ay nagulat lamang ang iyong katawan dahil sa mga hindi mo inaasahang pangyayari noong unang araw mo rito sa aming panahon kung kaya't naapektuhan nito ang iyong pandinig o hindi kaya ay pag-iisip."

Eleanor (Series #1)Where stories live. Discover now