Kabanata VIII

551 162 2
                                        

[ Kabanata VIII ]

NAALIMPUNGATAN si Khalid dahil sa tatlong sunod-sunod na pagkatok. Inunat niya ang kaniyang mga kamay bago tumayo at pagbuksan ng pinto ang Poncio Pilatong nambubulabog ng tulog.

"Magandang umaga po, señorito!" Dalawang ngiti ang sumalubong sa kaniya. Ngiti nina Delia at Patricia.

"Heto po ang inyong damit, señorito! Nawa'y masiyahan ka sa damit na pinili ni Señorito Luciano."

Napatingin si Khalid sa mga damit na hawak niya. Isang itim na amerikana, itim na tsaleko, mahabang manggas na puting polo shirt at itim na slacks ang kaniyang damit. Natawa si Khalid. Ganitong mga kasuotan ang pinili niya noong namili sila ng mga damit. Naisip marahil ni Luciano na hilig ni Khalid ang ganitong klaseng pananamit.

"May nakakatawa po ba, señorito?" takang tanong ni Patricia. Agad naman na umiling-iling si Khalid at nagpasalamat sa dalawa.

"Nawa'y malugod ka sa inyong pupuntahang kaarawan, ginoo!" Tumalikod na ang dalawa.

"Kaarawan? Kaninong kaarawan?" kunot-noong tanong ni Khalid. Muling humarap ang dalawa sa kaniya.

"Hindi niyo po alam?" nagtatakang tanong ni Patricia. Umiling-iling naman si Khalid. Hindi naman niya alam kung kailan ang birthday nina Verena kung kaya't wala siyang alam.

"Kaarawan po ngayon ng anak ni Don Mariano. Ang anak niya ay matalik na kaibigan ni Señorita Verena. Hindi niyo po batid kung sino ang unica hija ng Pamilya Alamilla?" hindi makapaniwalang tanong ni Patricia.

Sa isip ni Khalid ay marahil sikat dito sa Maynila ang pamilyang tinutukoy ni Patricia kaya ganoon na lamang ang reaksiyon ito nang malamang hindi sila kilala ni Khalid.

"Bueno, ako'y papanhik na. Maraming salamat sa pagsagot ng aking katanungan."

Yumuko na ang dalawa kaya sinara ni Khalid ang pinto. Agad siyang naligo at inayos ang sarili. Natutuwang tiningnan ni Khalid ang sarili sa salamin. Nilagyan niya pa ng kuwintas na nabili nila sa Tacloban ang kaniyang vest. Ginawa niya itong palamuti. Isinuot na rin niya ang bandana na nabili rin sa Tacloban.

Napangiti siya dahil ito ang unang beses na naisuot niya ang mga outfit na pangarap niya lang suutin noong nasa kasalukuyang panahon siya. Hindi siya makabili ng ganitong damit sa kasalukuyan dahil mahal ang presyuhan nito. Hindi rin siya makatyempo sa ukay-ukay ng tsaleko. Tanging isang amerikana at dalawang polo shirt lang ang naisusuot niya noon. Ang pantalon naman niya ay dalawa lang, kulay asul at itim. Pasalamat lang siya sa kaniyang angking galing sa paglalaba kaya hindi mukhang luma ang kaniyang mga damit. 3-5 years na niyang ginagamit ang mga kasuotan na iyon. Nadala pa rito ang itim na pantalon.

Pero ngayon, marami at iba-iba ang nabili nila roon sa Tacloban. Tatlong tsaleko na kulay berde, asul, at kayumanggi; limang polo shirt na ang mga kulay ay kulay puti, kayumanggi, itim, abo, at asul; limang amerikana na kulay asul, puti, abo, pula, at kayumanggi; at limang pantalon na kulay asul, abo, puti, kayumanggi, at berde ang nabili nila roon sa shop na pinasukan nila. Hindi siya pumili ng fitted na pantalon, hindi siya komportable rito at lumiliit tingnan ang paa niyang mahaba.

At ngayon, nadagdagan na naman ang damit niya. Mayroon na siyang walong pantalon, kasama na ang pantalon niya mula sa kasalukuyan at ang pantalon na ipinahiram sa kaniya ni Luciano. Ibabalik niya sana ang pantalon kagabi ngunit hindi tinanggap ni Luciano. Kailanman ay hindi siya nagpapahiram. Ibinibigay niya ang lahat. May lima na ring liston si Khalid na binili nila sa Tacloban. Mayroon din siyang mga kuwintas na hindi niya isinusuot sa leeg. Ginagawa niya kasi itong palamuti sa kaniyang mga damit. Parang may chain ang mga kasuotan niya.

Sa huling pagkakataon, umikot si Khalid at inayos ang amerikanang suot. Inayos din niya ang kaniyang buhok na medyo mahaba na. Pinatagilid niya papunta sa kanan ang kaniyang buhok saka ito kinalat upang hindi ito bagsak tingnan. Maingat naman niya itong inayos upang hindi magulo tingnan.

Eleanor (Series #1)Stories to obsess over. Discover now