[ Kabanata IV ]
NAALIMPUNGATAN si Khalid nang maramdaman ang pagdapo ng malamig na hangin sa mga braso niya. Kinusot-kusot niya muna ang kaniyang mga mata bago ito imulat.
Nagulat siya nang mapagtantong nasa sala pa rin siya. Asul na asul na ang kalangitan bagama't madilim pa. Alas kuwatro pa lang ng umaga.
Bumangon si Khalid mula sa pagkakahiga. Napansin niya ang kumot na nasa ibabaw ng katawan niya. Kumunot ang noo niya. Wala siyang naaalala na may dinala siyang kumot bago siya bumaba kanina.
"Sus, marunong naman palang mag-care si Luciano, eh," natatawa niyang sabi siyang umiling-iling.
Sa tingin niya, nakita siya ng gobernador-heneral na nakatulog kaya kinumutan siya.
Dala-dala ang lampara at kumot, pumanhik si Khalid paitaas upang ibalik ito sa kuwartong pinatuloy sa kaniya.
Napansin niya na tila nag-iba ang pagkakasara ng pinto ng kuwarto niya. Talagang pumasok pa si Luciano sa kuwarto niya upang kuhaan siya ng kumot.
Pagpasok ni Khalid, inilapag niya ang kumot sa tabi ng dalawang unan. Pinatay naman niya ang sindi ng lampara at inilapag ito sa mesa.
Tumingin siya sa bintanang nakabukas. Siguro kung panahon niya lamang ito, marahil ay hindi na niya masisikatan ang araw. Mainit sa mga mata ng magnanakaw ang ganitong kalaking bintana tapos nakabukas pa.
Napailing-iling naman si Khalid. Muling sumagi sa isipan niya ang pamilya at mga kaibigan na nasa kasalukuyang panahon. Hangga't maaaari ay iniiwasan niyang isipin ang pamilya at mga kaibigan niya. Hindi niya gustong magmukang miserable sa mga taong makikilala niya rito sa panahon na ito. Alam niyang ikababaliw niya ang pangungulila sa kanila kung kaya't madalas niyang burahin sa isipan niya ang pamilya at kaibigan niya sa kasalukuyan. Isang araw pa lamang siyang naririto sa panahon na ito pero halos ikabaliw na niya ang pagpipigil ng pangungulila.
Napayuko si Khalid at napahiga sa kama. Muli siyang tumingin sa labas at sa pagkakataon na ito, dumapo ang kaniyang mga mata sa nagniningning na kulay ng buwan. Malapit na itong maglaho ngunit ang ningning nito ay umaapaw pa rin sa paningin ni Khalid.
Kahit papaano, ramdam niya pa rin na kasama niya ang mga taong mahal niya sa buhay dahil sa buwan. Iisang buwan lang din naman ang tinitingnan nila.
"Ngayon pa nga lang, nangungulila na ako. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Linggo? Buwan? O baka nama'y umabot pa ako rito ng ilang taon? Dekada?"
Huminga nang malalim si Khalid at napaiwas ng tingin. Tumingin siya sa kisame at bahagyang natawa.
Aminado siya na madalas niyang ini-imagine na mapunta sa panahon ng mga kastila dahil sa pagod niya sa kaniyang buhay, pero hindi naman niya ibig sabihin na totohanin ni Lord ang mga hiling niya.
"Lord, nangungulila na po ako sa mga magulang ko. Ngayong nandito po ako sa ibang panahon, for sure, marami akong makikilala. Kung magtatagal po ako rito, mapapamahal ako sa mga taong makikilala ko. Nangungulila na po ako sa mga mahal ko sa buhay sa kasalukuyan tapos kung magtagal po ako rito, mangungulila pa rin po ako kapag nakabalik na ako sa tunay kong panahon? Grabe, Lord, gusto mo bang mangulila ako habangbuhay?"
Sinuklay ni Khalid ang buhok niya gamit ang kaniyang mga daliri.
Sapat na sa kaniya na nakilala niya si Luciano sa panahon na ito at bumalik na siya sa panahong kasalukuyan bago pa siya mapalapit dito. Ayaw niyang mangulila nang sobra kung sakaling maging matalik niyang kaibigan ang gobernador-heneral.
Lumuhod si Khalid at nagsimulang magdasal. Ilang minuto siyang nagpasalamat sa mga binigay ng biyaya ng Diyos at humingi ng paumanhin sa Panginoon bago ilathala ang mga hiling niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/344023349-288-k832848.jpg)
YOU ARE READING
Eleanor (Series #1)
Historical FictionUnang Serye A young man wishes to be sent back to the Spanish era. He thinks that life was easier in those days, even though Las Islas Filipinas were under Spanish control. This is because he is tired of his life. But as they say, "Be careful of wha...