[ Kabanata V ]
HINDI pa rin makapaniwala si Khalid. Ni hindi sumagi sa isipan niya na may koneksiyon ang dalawang lalaki na nakasalumuha niya. Kung lang hindi nito sinabi na sila ay mag-ama, hindi niya mapapansin ang malaking pagkakahawig ng dalawa. Gusto niya ring magpalamon sa lupa nang maalalang niyabangan pa niya si Mang Javier sa piitan.
Anong malay ko ba na magkikita pala kami ngayon? Kampante pa ako sa mga sinabi ko kasi akala ko yun yung hiling engkuwentro namin. Kung minamalas ka nga naman.
Parang hindi na niya gustong lumingon sa likod niya. Halos ilang oras na silang bumabiyahe. Nakasikat na ang araw sa kanlungan. Alas kuwatro na ng hapon.
"Nasaan na ba tayo?" nababagot na tanong ni Khalid.
Nilingon niya si Luciano na mahimbing na natutulog. Nakasandal ito sa bintana. Nakatakip sa mukha nito ang panyo nitong kulay puti. Ngayon niya lang napansin na mukhang favorite color nito ang color white. Nakaputing polo kasi ito at kulay karamel na pantalon tapos puti pa ang panyo. Kahapon ay puti rin ang polo nito ngunit iba naman ang disenyo. Tapos noong pumili sila ng mga damit, lahat ng damit, pantalon, at panyo na hawak ni Luciano ay kulay puti. Si Khalid lang ang pumili ng mga kasuotan na iba-iba ang kulay. Dismayado pa ang mukha ni Luciano nang hindi tinanggap ni Khalid ang mga pinili nito. Ayaw ni Khalid ng puting kasuotan dahil madali itong marumihan. Mahilig kumilos si Khalid kung kaya't madaling madumihan ang mga kasuotan niya.
"Kung kasing arte mo lang ako, sumige sana ako sa mga pinili mo," bulong niya rito kahit na alam naman niyang hindi siya nito naririnig.
Tumayo si Khalid at bumalik sa bintanang pinuwestuhan niya kanina. Karamihan sa mga pasahero ay natutulog ngayon. Maging ang mag-ama ay natutulog din.
Hinila ni Khalid ang silya na nasa sulok saka umupo rito. Tanaw niya ang napakalawak na karagatan. Wala siyang ideya kung nasaan na sila. Ngunit sigurado siya na nasa kalagitnaan pa lang o 'di kaya'y wala pa sila sa kalagitnaan ng biyahe. Napakalayo ng Maynila sa Tacloban. Isa pa, hindi ganoon katulin ang mga barko sa panahon na ito. Wala man siyang alam tungkol sa mga barko, ngunit panigurado na kinabukasan pa nila aabutin ang Maynila o di kaya'y sa mga susunod pang araw.
"Ano ang sumasagi sa isipan mo?" Napalingon si Khalid. Sumulpot si Luciano sa gilid niya. Nakatanaw ito sa labas ng bintana.
Napangiti si Khalid. May kalokohan siyang naiisip. Tumikhim muna si Khalid. Nang makuha niya ang atensyon ng gobernador-heneral, tinuro niya ito gamit ang kanang hintuturo niya.
"♪~ Sumasagi ka palagi sa utak, dahan-dahan pagkatok. Kung malandi ako sa isip mo, hayaan mo akong magbago. Baby, I can do better ner ner ner letter ner ner sa letter~♪"
_____
NAALIMPUNGATAN si Luciano mula sa mahabang pagtulog. Napatingin siya sa katabing upuan ngunit wala na roon si Khalid. Tumingin siya sa kaniyang orasan. Alas kuwarto y media na ng hapon. Napatingin si Luciano sa labas. Sigurado siyang malapit na sila sa bayan ng Romblon. Tantsa niya, kinabukasan pa ng hapon sila makararating ng Maynila.
Tumayo si Luciano. Iisang lugar lang ang alam niyang pupuntahan ni Khalid.
Hindi naman nabigo si Luciano nang makita si Khalid na nakaupo at nakatingin sa labas.
"Ano ang sumasagi sa isipan mo?" tanong ni Luciano nang makalapit. Tumayo siya sa tabi ni Khalid at tinanaw ang ganda ng kapaligiran sa labas. Malinis na tubig at mga naglalakihang puno sa kagubatan ang nadaraanan nila.
Napalingon si Luciano nang marinig ang pagtikhim ni Khalid. Kumunot ang noo niya nang ituro siya ng kanang hintuturo nito.
"♪~ Sumasagi ka palagi sa utak, dahan-dahan pagkatok. Kung malandi ako sa isip mo, hayaan mo akong magbago. Baby, I can do better ner ner ner letter ner ner sa letter~♪"

YOU ARE READING
Eleanor (Series #1)
Historical FictionUnang Serye A young man wishes to be sent back to the Spanish era. He thinks that life was easier in those days, even though Las Islas Filipinas were under Spanish control. This is because he is tired of his life. But as they say, "Be careful of wha...