Kabanata XIII

180 124 3
                                        

[ Kabanata XIII ]

"IKAW?!"

Nilingon ng tatlo si Raul. Mabilis na kumawala si Leonora sa yakap at inilayo ang sarili bago pa ito bigyang malisya ng mga nakatingin.

Kumunot ang noo ni Khalid nang makitang muli ang lalaki sa loob ng halos isang buwan nitong pagkawala.

"Abaaa!"

Lumapit si Khalid sa harap ni Raul. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

"Narito ka ba upang kunin ang banayad na kamay ni Leonora? Dahil hindi ako papayag," mabilis niyang pahayag.

Gulat pa rin ang mukha ni Raul. Nilingon nito si Leonora, hindi pinansin si Khalid.

"¡¿Que?! A-Anong ibig sabihin nito?! R-Rosaura, siya ang inyong kapatid?!"

Muling nilingon ni Raul at tiningnan si Khalid mula ulo hanggang paa.

"How the f*ck?" wala sa sariling bulalas ni Raul, napanganga si Khalid.

"Oh, you know how to speak english?"

Napaamang naman ang mga labi ni Raul.

"Y-You're American?!" gulat na tanong nito kay Khalid.

"No, I'm not!" depensa agad ni Khalid.

"Oh, of course you're not!"

"Aba!"

Pumagitna si Leonora sa dalawa.

"Mga ginoo, kung maaari lang ay magdahan-dahan kayo sa inyong pananalita. Hindi magandang pakinggan ang inyong pag-uusap kung kayo ay nagsisigawan."

"¡Rosaura, kung iyong makikita, todos sabemos que es un mestizo! ¿Cómo lo conoció Luciano? Que yo sepa, ¡conozco a todos los mestizos de mi edad con un color de porcelana! Ni hindi ko mamukhaan ang ginoong ito!" (Rosaura, kung iyong makikita, we all know that he's a mestizo! How did Luciano meet him? As far as I know, I know all mestizos from my age with a porcelain color!) mahabang pahayag ni Raul, hindi pinapansin ang sinabi ni Leonora.

"Raul, huminahon ka—"

"¿Los tíos permitieron que esto sucediera?" (Did aunt and uncle allow this to happen?)

"Si, si, Raul." (Yes, yes.)

Muli, nilingon ni Raul ang binatang kaharap. Ilang sandali niya itong tinitigan saka tiningnan mula ulo hanggang paa. Itinagilid pa niya ang kaniyang ulo nang may napansin siya rito.

Nanlalaki ang mga mata na nilingon ni Raul si Leonora.

"Rosaura, no me digas que él..."

"MATEO!"

Napalingon ang lahat sa bagong dating. Dali-daling niyakap ni Luciano si Khalid na nagulat sa ginawa niya.

"Mabuti at walang nangyaring masama sa iyo," mahinang sabi ni Luciano saka kumawala sa pagkakayakap.

Sumunod naman na pumasok si Tinyente Diego at Mang Javier. Habol-habol ng tinyente ang kaniyang hininga, tila hinabol nito ang gobernador-heneral.

"Pinag-alala mo ako nang husto!" dagdag pa ni Luciano. Tiningnan niya ang postura ng kapatid saka huminga nang malalim. "Huwag ka nang aalis muli nang walang pasabi, hermanito."


Eleanor (Series #1)Stories to obsess over. Discover now