Karamihan sa ating mga nababasang nobela na patungkol sa mga taong umiibig sa maling panahon ay babae ang pangunahing tauhan. Isang binibini na mapupunta o maibabalik sa nakaraang panahon at iibig o iibigin ng isang ginoo. Ngunit...kayo ba ay nakabasa na ng mga nobelang katulad nito pero lalaki naman ang pangunahing tauhan? Paano kung isang lalaki naman ang mapupunta o maibabalik sa nakaraang panahon at iibig o iibigin ng isang binibini mula sa nakaraan?
Kilalanin si Khalid Azrael Gaives. Isang binata na madalas hilingin na sana ay maibalik siya sa panahon ng mga kastila. Iniisip niya na higit na mas madali lang ang pamumuhay noong mga panahong iyon bagama't ang Las Islas Filipinas ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga kastila. Ito ay sa kadahilanang pagod na siya sa kaniyang kasalukuyang buhay. Ngunit ika nga nila, "Be careful of what you wish for." Ang kaniyang hiling na mapunta sa nakaraang panahon ay hindi niya inaasahang magkakatotoo. Gumising na lamang siya sa isang lugar na kung saan, ang lahat ng tao ay nakasuot ng barong at saya, kamisa de tsino, at makalumang uniporme ng mga sundalo. Pawang kalesa rin ang pangunahing transportasyon at walang polusyon sa kapaligiran.
Ito na nga ba ang simula ng kaniyang ginhawa?
O ito ang magiging simula ng kaniyang sumpa?

YOU ARE READING
Eleanor (Series #1)
Historical FictionUnang Serye A young man wishes to be sent back to the Spanish era. He thinks that life was easier in those days, even though Las Islas Filipinas were under Spanish control. This is because he is tired of his life. But as they say, "Be careful of wha...