Kabanata X

484 143 1
                                        

[ Kabanata X ]

"SERYOSO ka ba?!"

Kasalukuyang nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga ang tatlong binata. Narito sila sa isang malawak na lupain na pagmamay-ari ni Luciano. Malapit lang ito sa Maynila.

"Alas sais talaga? Hindi ba puwedeng gawin mong alas siyete?" reklamo ni Khalid.

Noong nagbebenta pa si Khalid ng turon at kung ano-anong pagkain sa eskuwelahan nila noong highschool siya, araw-araw siyang gumigising nang maaga. Alas tres y trenta ay gising na siya upang magsimulang magluto. Pero nang mahinto siya sa pagbebenta nito at mga ribbon flower bouquet at crochet na ang kaniyang binebenta, nasanay na siya na palaging alas siyete ang paggising. Nitong summer naman ay madalas alas diyes ng umaga siya kung magising.

Kaya ganito na lamang ang kaniyang pagreklamo nang ianunsyo sa kanila na alas sais magsisimula ang ensayo nila. Kinakailangan na alas kuwarto pa lamang ay magising na sila upang maligo at mag-umagahan dahil halos isang oras ang biyahe patungo sa lupain ni Luciano na magsisilbi nilang training area. Kanina nga ay natadyakan pa nga niya si Teodoro nang gisingin siya nito. Ala una na kasi nakatulog si Khalid tapos ginising siya nung alas kuwarto.

Umiling-iling si Luciano.

"Sanayin niyo ang inyong mga sarili na gumising nang mas maaga pa upang makapaghanda sa ating pang-araw-araw na ensayo."

Tiningnan ni Luciano ang dalawang binata. Hindi maipinta ang mukha ni Khalid dahil nalulutang pa ang utak nito samantalang si Teodoro naman ay tumatango-tango lang na parang bata sa mga habilin ni Luciano.

"Hindi ako marunong bumaril," pagdadahilan pa ni Khalid saka tinuro ang tatlong baril na nasa damuhan.

Ginagawa niya lamang itong rason upang ipagpabukas muna ang ensayo. Nalulutang pa siya. Napapikit naman si Luciano sa kakulitan ng kapatid.

"Ano ba ang saysay ng ating pagsasanay?" seryosong tanong ni Luciano. Natahimik naman si Khalid. Prinoproseso niya ang sinabi ni Luciano. Inalog niya rin ang utak niya dahil lumulutang na naman ito sa ere.

"Baril-barilan lang naman, 'di ba?" tanong ni Khalid, umiling-iling naman si Luciano.

"Sasanayin din kita sa pagpapatakbo ng kabayo. Kami ni Teodoro ang iyong magiging gabay." Napanganga si Khalid sa sinabi ni Luciano.

Kailanman ay hindi niya pinangarap na maging isang cowboy. Sinubukan niya noon na sumakay ng isang beses sa kalabaw ngunit natuliro ang kalabaw at natapon siya. Nilagnat siya sa takot at pinahilot pa dahil mukhang nausugan siya. Simula noon ay hindi na niya ginustong sumakay sa kahit anong hayop, lalo na ng mga katulad ng kabayo at kalabaw.

"Bueno, uunahin ko ang iyong pagsasanay sa pagsakay ng kabayo."

"Wala bang stretching muna?"

"Is-tret-ching?"

"Oo, paunang ensayo, gano'n. Ewan ko, hindi ko alam ang tagalog ng stretching. Pag-unat-unat siguro?" patanong na sabi ni Khalid. Umikot ang mga mata ni Luciano.

"Sige, simulan na natin."

Nagsimula nang mag-stretching ang tatlo. Napanganga si Teodoro sa ginawang stretching ni Khalid. Halata na flexible ang katawan ng binata dahil sa ginawa nitong pag-unat-unat. Inunat pa nito ang mga paa at literal na napanganga maging si Luciano nang makitang dumikit sa sahig ang paa ni Khalid at ang mukha naman nito ay idinikit sa kaniyang paa, nag-split ito.

Nang matapos si Khalid sa stretching na ginawa niya, napalingon siya sa dalawa. Nakatulala lang ang dalawa sa kaniya, hindi maintindihan kung paano nagawa ni Khalid ang lahat ng iyon.

Eleanor (Series #1)Stories to obsess over. Discover now