Kabanata III

580 180 0
                                    

[ Kabanata III ]

"IYO bang ipinahihiwatig sa akin na ikaw ay nagmula sa ibang panahon?" hindi makapaniwalang tanong ng gobernador-heneral. Tumango naman si Khalid.

Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ng gobernador-heneral. Halos isang oras ni Khalid ipinaliwanag ang lahat sa binata. Nagtanong-tanong din ito tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.

"Kung ganoon ay wala kang matutuluyan sa panahon na ito?" tanong ng gobernador-heneral.

Hindi na mabilang ni Khalid kung nakailang tanong na ang binata sa kaniya. Tumango-tango siya bilang pagtugon.

"Malamang," sarkastikong bulong ni Khalid at sumandal sa sofa.

"May sinasabi ka ba, indio?"

"Ha? Wala."

Umiwas ng tingin si Khalid. Ipinagkrus niya ang kaniyang mga braso saka muling tiningnan ang gobernador-heneral. Hindi niya maiwasang isipin na nakikita niya ang gobernador-heneral na ito sa isa niyang kaibigan sa kasalukuyan. Pareho itong seryoso palagi at nagdudugtong ang mga kilay.

Pagkatapos niyon ay sumagi naman sa isipan ni Khalid ang mukha ni Vaughn. Hindi niya maiwasang mangulila sa kakulitan ng kaibigan. Kabaliktaran nito ang ugali ng kaibigan niyang iyon at ng gobernador-heneral na kaharap niya. Kung gaano kaseryoso ang dalawa, ganoon naman kakulit si Vaughn.

"Paano kita paniniwalaan sa iyong mga ipinahayag? Maaaring gumagawa ka lamang ng kuwento upang ikaw ay aking paniwalaan."

Nakangangang nilingon ni Khalid ang gobernador-heneral. Sa dinami-rami ng tinanong nito sa kaniya tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan, nagtanong pa ito ng ganoon?

"Sa tingin mo ba ay magsisinungaling ako sa isang gobernador-heneral? Ha? Isipin mo, maaari mong ipahanap ang kamag-anak ko rito sa bansang ito at ang mga tinutuluyan ko kung sakaling nagsisinungaling ako, hindi ba? Kaya, sabihin mo sa akin, paano ako makapagsisinungaling sa iyo?" balik ni Khalid sa gobernador-heneral.

Napaawang naman ang bibig ng gobernador-heneral. Hindi ito makapaniwala sa tulis ng isip ng binatang kaharap.

"Kung gayon, ano ang iyong pangalan?"

"Aba! Ngayon naman ay interesado ka sa akin. Pumanhin heneral, ngunit hindi ako bakla. Kung girlfriend sa mo pa, puwede pa."

Kumunot naman ang noo ng gobernador-heneral. Noong una'y hindi nito maintindihan ang sinabi ni Khalid. Hindi rin nito naintindihan ang banyagang salita ni Khalid.

"Mayroon akong kasintahan, indio. Isang malaking pagkakasala sa Panginoon ang umibig sa kaparehong kasarian." Seryoso ang mukha ng gobernador-heneral. Hindi nito naibigan na pinag-isipan siyang bakla ni Khalid.

"Naninigurado lang, pre. Edi, partners na tayo ngayon?" Napangiti si Khalid. Lalo namang kumunot ang noo ng gobernador-heneral.

"Partners?"

"Partners. Kasama, katambal, karamay. Ibig sabihin niyon ay magkaibigan na tayo."

"Hindi ako nakikipagkaibigan sa isang estranghero." Napangiwi si Khalid. Kung babae lang siya, rejected agad.

"Edi huwag. Akala mo naman. Mas matangkad ka lang ng isang pulgada sa akin, mas guwapo pa rin naman ako." Halos pabulong na sinabi ni Khalid ang huling pangungusap.

"Pero, curious ako. May matalik na kaibigan ka naman siguro?" nakangiwing tanong ni Khalid.

Sa sobrang sama ng ugali ng gobernador-heneral na kaharap niya, hindi na siya magtataka kung wala itong matalik na kaibigan. Kaibigan lang puwede pa, pero matalik na kaibigan? Ha! Hindi nga nito pinagamot ang mga sugat na tinamo niya kanina sa piitan, eh.

Eleanor (Series #1)Where stories live. Discover now