1
Lev's POVSaturday evening, kasalukuyan kaming nasa sala at may kanya-kanyang mundo. Wala akong ibang magawa dito kundi ang mag-scroll lang sa newsfeed ng facebook ko na puro memes ang laman, hindi ako mahilig mag-post pero mahilig akong mag-check kung ano na ang kaganapan sa social media.
My seventeen-year-old sister Patrizia is reading a romance novel habang naka-upo sa sofa na maya-maya ay tumatawa ng mag-isa o di kaya kinikilig sa binabasa niya. She's one year older than me.
Katabi niya si mama na nakatingin lamang sa pinapanood niyang news report sa tv and doesn't care about her crazy daughter dahil parati siyang ganyan.
Si Austin, my eighteen-year-old brother is busy with his physics assignment. Habang si papa naman kakarating lang sa sala at umupo rin sa tabi ni mama.
Wala ang atensyon ko sa telebisyon ngunit napabaling ako dito nung narinig ko ang pagkabanggit ng news anchor sa same-sex marriage.
"Disgusting people, hindi ko maisip na mayroong ngang mga tao na nakikipagrelasyon sa kaparehong kasarian," komento ni mama na sinang-ayunan naman ni papa.
I frowned.
Parehong tutol ang magulang ko sa mga babaeng nagpapanggap bilang lalaki, at mga lalaki nagpapanggap na babae, tsaka ang pagkakaroon ng relasyon sa kauri nilang kasarian. Kapag may nakikita silang mga ganito hindi maitatago ang pagkadiri sa mga mukha nila.
They disappoint me a lot.
As a secret part of the LGBT community, naiintindihan ko sila. It's their decision and they have a freewill to do it, tsaka mga tao rin sila na gustong makahanap ng pag-ibig regardless of the gender.
Hindi ko tinatanong ang mga pananaw ng mga kapatid ko dahil hindi ko gustong marinig ang mga negatibong komento nila.
This is why I haven't told anyone about my sexual orientation, hindi maiiwasan ang mga masasakit na salita at panghuhusga ng iba.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Feelings (BL)
RomanceLev Andrew Collins. All his life he kept the truth about him being gay to everyone including his family and bestfriend. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, walang sikretong hindi nabubunyag. Date Started: June 2023 Date Ended: December 2023 Status: Comp...