18
(Lucien's Past - Part 1)Lucien's POV
Patapos na ang summer vacation at dalawang linggo nalang ang natitira bago magsisimula ang unang araw ko as a highschool student.
Nilipat ako nina mama sa Silvester Academy dahil matalik niyang kaibigan ang may-ari ng paaralan.
Its one of the prestigious school here on Ataraxia City, maraming nagsasabi na halos lahat ng mga estudyanteng pumasok doon ay talentado at matatalino. I was excited and pressured at the same time after hearing it.
Mabilis na lumipas ang araw. On the day of the school's orientation, wala akong ibang kakilala doon, kaya ang awkward kong tingnan.
I'm not the type of person that will make a first move in making friends kaya tahimik lang ako sa sulok. Ito ang mahirap kapag introvert ka.
Natuon ang atensyon ko sa isang kaklase ko na madaldal habang kinakaibigan ang lahat ng mga transferees sa 7th grade. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata namin.
He smiled warmly, at lumapit sa akin.
"Hi, classmate. I am Jean Axel Silvester, but you can call me Axel like everyone else," pagpapakilala niya.
His face looks friendly at mukha siyang mabait. Unang kita ko palang sa kanya ay nagustuhan ko na siya kaagad.
"Lucien Leroux," pagpapakilala ko rin sa sarili ko.
"Kilala kita, my mom knows your family," wika niya.
Hindi ko kaagad nakuha ang ibig niyang sabihin, pero narealize ko rin kalaunan nung naalala kong binanggit niya ang apelyido niyang 'Silvester,' kanina, kapareho ito ng pangalan ng academy. Siya siguro ang anak ng may-ari at kaibigan ni mama.
"Let's be friends, Lucien."
Masaya ko naman itong tinanggap, at siya ang kauna-unahang kaibigan ko sa Silvester Academy.
Hindi lang ako ang nakakakilala kay Axel bilang anak ng may-ari nitong academy kaya unti-unti siyang sumikat sa campus at marami na siyang naging kaibigan na umaaligid sa kanya.
Unlike him, I'm shy and timid, I dislike being surrounded by a crowd. Kaya hindi ako lumalapit sa kanya tuwing maraming dumidikit sa kanya.
---
One time during lunchbreak, mag-isa akong naglalakad papunta sa cafeteria nang biglang humarang sa dinadaanan ko si Axel.
"Saan ka pupunta?" tanong niya. Minsan lang siyang lubayan ng ilang kaklase namin, at tuwing mangyari iyon, agad siyang lumalapit sa akin.
"Nevermind, wag mo nang sagutin. Sumama ka sa akin," kinuha niya ang kamay ko at hinila ako sa ibang direksyon palayo sa cafeteria.
Dinala niya ako sa principal's office na ikinagulat ko.
"Bakit tayo nandito?" takang tanong ko.
"I want you to join me in lunch," he smiled.
"Pero bakit dito?" tanong ko ulit.
"Ang dami mo namang tanong, pumasok ka nalang," sagot niya ang tinulak ako papasok ng office.
A man in his forty's looked at me with his serious face that I found intimidating. Nakita ko na siya nung nakaraang linggo sa orientation, he's the vice principal of the academy.
"Tito, I brought my friend. Lucien," ani Axel.
"Ah, the only son of the family Leroux. I'm a big fan of your mother's artworks," he finally smile.
My mother is an artist who won several awards for her expressive paintings. She also owned an art gallery here on Ataraxia City.
"Artist ka rin ba Lucien?" tanong ni Axel.
Umiling ako na ikinadismaya niya. Must I blame my genes for not having my mother's talent on arts? Dahil mukhang dumi lang ang nagagawa ko kapag humahawak ako ng paintbrush at nagpipinta sa canvas.
May hawak na dalawang lunchbox si Axel at inabot niya sa akin ang isa.
"Para kay mama dapat ang isa, pero dahil wala siya ngayon sayo na yan," wika ni Axel, "At para hindi ka na pumunta sa cafeteria."
Napatingin ako sa vice principal na ngayon ay busy na sa mga papel sa harap niya.
"It's fine, kakatapos lang ni tito kumain, at boring kung ako lang mag-isa ang nandito. Sabayan mo na ako," pakiusap ni Axel kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ito.
Akala ko magiging awkward ang atmosphere dito sa office, pero bigla ito nawala nang magkwento ng kung ano-ano si Axel at nakikinig lang ako habang inuubos ang pagkain ko.
Pagkatapos namin kumain ay pareho na kaming lumabas at pabalik na sa classroom.
"Jean Axel!" sigaw ng ibang mga kaklase namin saka sila nagsilapit sa amin.
"Kanina ka pa namin hinahanap, nasaan ka ba?" tanong ng isa.
Once again, I'm getting uncomfortable tuwing nandito na ang ibang mga kaibigan niya dahil pakiramdam ko ay hindi ako kabilang sa kanila at dahil hindi rin naman nila ako pinapansin.
Palihim na akong lumayo sa kanila pero bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa braso ko.
"Lucien, saan ka pupunta?" hinabol pala ako ni Axel at pinigilan niya akong makalayo.
"Nandito na ang mga kaibigan mo kaya mauuna na akong bumalik sa classroom," sagot ko.
"What are you saying? Kaibigan din kita, kaya walang masama kung sasama ka sa amin," hinila niya ako palapit sa grupo niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod muli sa kanya.
"Wag kang mahihiya, it's better to have more friends right? The more the merrier," aniya, at pinakilala ako sa grupo kahit alam na nila ang pangalan ko dahil magkaklase lang kami.
Hindi nagtagal, lagi akong sinasama ni Axel sa mga barkada niya, at dahil din sa kagustuhan ni Axel marami na ang kumakausap sa akin. As usual, I wasn't talkative unlike them, pero unti-unti na akong nasasanay na kasama sila.
I feel okay kapag andyan si Axel, I feel like I can depend on him all the time as our friendship strengthen.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Feelings (BL)
RomanceLev Andrew Collins. All his life he kept the truth about him being gay to everyone including his family and bestfriend. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, walang sikretong hindi nabubunyag. Date Started: June 2023 Date Ended: December 2023 Status: Comp...