Three

381 14 0
                                    

3
Lev's POV

Para akong tangang bumubuntot kina Kayden at Lucien, kahit hindi nila ako pinapansin patuloy ang pagdikit ko sa kanila hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

Nakita kong bumili ng isang softdrink si Lucien mula sa vending machine,  at balak ko siyang gayahin, ngunit naalala kong hindi ko dala ang pera ko ngayon.

Nakakaiyak!

May malamig na bagay ang dumapo sa braso ko, “O ito, para hindi ka mainggit sa amin,” dalawa ang binili ni Kayden na bottled juice, at inabot niya sa akin ang isa.

“Wag kang maarte dahil bawal ka sa softdrinks, diba?” napansin yata ni Kayden ang tingin ko sa softdrink ni Lucien.

Muntik ko nang makalimutan na bawal nga pala akong uminom ng mga fizzy drinks dahil sa UTI ko.

“Thanks, babayaran nalang kita mamaya,” nakangiting wika ko at kinuha ang inaabot niya.

“Dapat lang,” sagot niya na naging dahilan para agad na mawala ang ngiti ko sa kanya.

Pagkatapos namin maubos ang mga inumin namin, nagtungo naman sila gymnasium para maglaro ng basketball.

Habang ako nakaupo lang sa bleachers at pinapanood silang maglaro.

Mabuti nalang dinala ko ang phone ko.

Kinuha ko ito mula sa bulsa ng school pants ko at binuksan ang camera.

I zoomed it in and took a couple of stolen shots of Lucien when he shooted a tripple shot and when he jumped high and dunked the ball.

Kahit anong angulo ko tingnan ang charming niya pa rin tinggan sa mga pictures kahit stolen shots lang. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

Nang nakuntento na ako sa mga pictures na nakuha ko sa kanila, inilipat ko naman ito sa video.

Kinuhanan ko kung paano kadaling naagaw ni Lucien ang bola kay Kayden at naka-fifteen na puntos na dahil laging tripple shots ang tinitira niya.

Habang si Kayden nangungulelat na sa laro nila, halatang rookie pa siya sa basketball.

Kahit ilang attempts niya sa pagtitira ng tripple shots lagi itong sablay, hanggang malapitang tira lang ang kaya ni Kayden kung sinuswerte siyang hindi makuha ni Lucien ang bola mula sa kanya.

Makalipas ang isang oras, lumapit na sila sa akin sa bleachers at basang-basa ang mga damit ng dalawang lalaki.

“It was fun,” nakangiting wika ni Lucien.

I don't know why pero parang ang attractive pa rin niyang tingnan kahit halos naliligo na siya sa pawis.

Kung dala ko lang ang panyo kong naiwan sa classroom, agad ko siyang lalapitan para punasan ang pawis niya sa mukha pababa sa leeg niya hanggang sa dibdib—

Ugh! My stupid heart stop beating! And stupid brain, anong iniisip mo?!

“Of course it was fun for you, ikaw ang nanalo eh,” reklamo ni Kayden na kawawa sa paglalaro ng basketball.

“Kailangan natin magpalit ng uniform sa dormitory, nakakahiyang bumalik nang nakaganito sa classroom,” suhestiyon ni Kayden.

Tumango naman si Lucien, “Tama ka."

“Lev—” bumaling si Lucien sa akin “—mauna ka na sa classroom, three minutes nalang magsisimula na ang second period. Baka ma-le-late ka lang kung sasama ka pa sa amin,” he said.

I don't know if I'm blushing right now because he seems worried for me, but I wish I'm not. It will be weird kung makikita nilang namumula ang mukha ko at baka mabunyag ang sikreto ko na pati si Kayden ay hindi pa alam.

Hindi na ako tumutol sa kanila. Like an obedient puppy, tumakbo na ako patungo sa classroom namin habang sila ay tumakbo sa kabilang direksyon patungo sa dormitory building ng Eastern Pearl Academy.

Unstoppable Feelings (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon