Twenty-three

153 10 0
                                    

23
(Present Day)

Lev's POV


Lunes na naman, kaya napilitan ulit akong pumasok at harapin ang mga kakaibang tingin at panghuhusga ng mga estudyante sa Eastern Pearl. Nakakainis lang dahil kahit saan ako magpunta, sa bahay man o sa paaralan ay marami ang kontra sa akin.

If I could find a peaceful place, I would stay there forever at hindi na ako aalis pa.

Napahinto ako sa pagpasok sa school gates nang nagkasalubong kami ni Kayden, we both wear our serious faces.

Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok at hindi na ako pinansin.

Hindi ko namalayang nakatingin lang ako sa kanya habang lumalayo siya sa akin, natauhan lang ako nang may nakabangga sa balikat ko dahil may isang estudyante na nagmamadaling pumasok sa loob.

I felt lonely while walking down the school halls.

Napadaan ako sa may bulletin board dahil malapit doon ang hagdan kaya hindi ko napigilang mapatingin doon sa board. I felt relieved na malinis na ito ngayon. That nasty vandal was now covered in fresh paint.

Pagkadating ko sa classroom, naabutan ko ang katabi kong si Kayden na nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang desk.

Kahit ayoko rin siyang makita, wala kaming magagawa dahil in the first place pinili namin na magkatabi ang upuan namin.

Bago pa makapagsimulang magturo ang guro namin sa first period, nagulantang kami ng biglang tumunog ang mga speakers na nakakabit sa lahat ng mga classroom at  nakakonekta ito sa soundroom.

Ginagamit lang ito kapag may biglaang announcement ang principal namin.

What could the announcement be? A class suspension? Kung ito man ang dahilan, ikatutuwa ko ito.

Goodmorning students, this is Principal Guebarra speaking. I would like to take this opportunity to remind everyone that we do not tolerate students violating the school rules, and those who will violate it will suffer consequences, and today I have someone here to share his reflection regarding his wrongdoings.”

Pagkatapos mag-salita ng principal, ibang boses naman ang nagsalita na ang hula namin ay isang estudyante.

Umm... alam kong kunti lang ang nakakakilala sa akin, but it's me T-tristan at inaamin ko ang maling ginawa ko...” nanginginig ang boses ng nagsasalita, kinakabahan yata.

V-vandalizing the bulletin board is my fault. I am extremely sorry for destroying the school property and sorry for the persons who I involved in that vandal... I-I will reflect on my actions and never do it again.”

Ramdam kong kumulo ang dugo ko nang nalaman ko na ang salarin sa pag-vandal at ang sumira sa pangalan ko. I don't think the principal's punishment is enough knowing it will only be a suspension.

That's all for today, students. Classes may now resume.” Principal Guebarra ended it and nagsimula nang mag-tsismisan ang mga kaklase ko.

“Grade 10 Class A! Quiet down!” sigaw ng guro namin at sumunod ang iba.

Nagtaas ako ng kamay at agad akong napansin.

“May I go out?” pagpaalam ko at pinayagan naman ako.

Mabilis akong lumabas ng classroom at tumakbo patungo sa principal's office.

Gaya ng inaasahan ko, naabutan ko si Tristan na kakalabas lang ng office suot ang bag niya.

Unstoppable Feelings (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon