11
Lev's POV
The next day, hindi pa sumisikat ang araw nakapagbihis na ako ng school uniform at handa na ang mga gamit ko.Sinadya kong pumasok ng maaga para maabutan si Demorah sa classroom ko bago pa siya makapag-iwan ng regalo sa upuan ko gaya ng lagi niyang ginagawa.
I plan to stop her and tell her the truth of my decisions.
Halos napatalon ako ng may kumatok sa pinto ko na hindi ko inaasahan.
“Lev? It's me. Gising ka na ba?” boses ito ni Kayden.
Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito.
Tulad ko, naka-uniform na siya at handang-handa na pumasok.
“What are you doing here?” tanong ko.
Naalala kong sinabi ko sa kanya ang plano ko kahapon, pero wala akong binanggit na idadamay ko siya dito. Kaya wala akong ideya kung bakit siya nandito.
“I want to witness everything, and just in case you need my help matutulungan kita,” sagot niya.
Napabuga nalang ako ng hangin, mukhang hindi ko na siya mapipigilan sa gusto niya.
One minute before six in the morning nakarating na kami ni Kayden sa classroom, at kami palang ang naririto.
“Magtatago pa ba tayo?” tanong niya.
“Wag na. Hintayin lang natin ang pagdating niya.”
Tumango lang si Kayden at umupo sa silya niya.
Hindi kami naghintay ng matagal dahil makalipas ang ilang minuto, may naririnig na kaming yabag ng sapatos sa labas at bumukas ang pinto sa classroom namin.
Nanlaki ang mata ni Demorah sa gulat nang makita kami ni Kayden sa loob, ngunit agad siyang napangiti at pumasok para lumapit sa amin.
Napangiwi naman ako sa hawak niyang paper bag, at gaya ng inaasahan ko inilahad niya ito sa harapan ko.
“Good morning Lev. Hinihintay mo ba ako? Your so sweet. Here, a gift for you,” abot-tenga ang ngiti niya.
Tiningnan ko lamang ang hawak niya at binalik ko ang tingin kay Demorah. Once again her smile made me weak, feeling ko ang sama kong tao para sirain ang maganda niyang ngiti.
I was back on my senses when I heard Kayden cleared his throat, at nagkunwari umuubo.
Right, hindi ako pwedeng ma-distract sa pakay ko ngayon dito.
“This is wrong, I don't deserve your efforts,” malungkot kong saad at unti-unting naglaho ang ngiti ni Demorah.
She gave me a confused look, “Anong sinasabi mo?”
“Demorah, napag-isipan ko na ang lahat at pasensya na. So, please stop this now.”
“Ang sabi mo noon, pagbibigyan mo ako ng pagkakataon na mababago ko ang isipan mo at matutunan mo akong mahalin. May kulang pa ba sa ginagawa ko? Say it, I will do anything!”
Napapansin kong tila namumula na ang mga mata niya.
“I don't think you can change my mind,” pagsabi ko ng katotohanan.
“Is there someone in your heart kaya hindi mo ako kayang mahalin?” her voice was trembling.
“Yes,” mahinang wika ko.
Bumagsak na ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan.
“Kung ganon naman pala, edi sana nung una palang ay sinabi mo na!” sigaw niya habang pinunasan ng isang kamay niya ang mga luhang walang tigil sa pagdaloy pababa sa kanyang pisngi.
“I'm sorry,” inaamin kong mali ang mga unang desisyon ko, at ang paghingi ko ng tawad lang ang magagawa ko ngayon kahit hindi ko alam kung tatanggapin niya.
She didn't speak anything else and turned her back on me.
Bago siya lumabas sa pinto, pabagsak niyang tinapon ang paper bag sa basurahan.
Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil wala na akong ibang ginawa kundi ang panoorin siya.
Lumapit si Kayden sa akin at tinapik ang balikat ko, “Don't feel guilty or anything else, tama ang ginawa mo kesa sa ipilit mo ang mga bagay na hindi pwede, mas gugulo lang ang lahat.”
“Okay.”
To be honest, I'm glad I finally told her the truth. It feels like the burden inside me had lessen now that she won't bother giving me her kindness and expects me to repay her with something she wants. My heart will never be hers.
Narinig kong kumalam ang tyan ni Kayden kaya napatingin ako sa kanya.
“Hindi pa ako kumain,” rason niya saka bumalik sa kanyang upuan para kunin ang dinala niyang baon.
I followed him at umupo na rin sa upuan katabi niya. Napatingin ako sa baunan niya nung buksan niya na ito, rice and fried egg.
“What's your type? Ba't ayaw mo kay Demorah?” tanong niya bago sumubo ng kanin.
“Hindi ko alam,” palusot ko dahil ayokong magkwento.
"Is it a girl opposite of Demorah?” tanong niya ulit.
“One thing for sure, my type is not a girl,” bulong ko.
“Huh? Hindi ko narinig ng maayos,” wika niya habang puno ang bibig niya.
“Wala, ang sabi ko ubusin mo muna ang pagkain mo.”
“Hey come on, sinasabi ko ang lahat sayo pero marami kang tinatago sa akin, wag kang madaya,” pagpilit niya sa akin.
Napalunok ako ng sariling laway. Ito na ba ang oras para sabihin ang totoo sa kanya?
“If this is a secret, tayo palang dalawa ang nandito kaya walang makakarinig kundi ako lang,” dagdag niya.
“Kayden, paano kung sabihin ko sayo na hindi ako straight? Will you see me the same way like before?”
Napahinto si Kayden sa pagnguya.
Peke akong tumawa, “Biro lang, ang gusto kong sabihin—”
“Lev,” he cutted my words before I could lie again, “Siyempre naman walang magbabago sa pagkakaibigan natin, straight or not, your still my best friend.”
Ramdam kong sincere siya sa mga sinasabi niya, I was stupid to keep this to him for a long time and doubting him.
“Aaminin kong nabigla ako dahil hindi ko ito inaasahan pero unti-unti ko ng naiintindihan kung bakit wala kang nararamdaman para kay Demorah because you don't swing that way,” ani Kayden.
“Mangako kang wala kang pagsasabihan,” I pleaded.
“Siyempre naman, walang sikretong makakalabas sa akin kahit ikamatay ko pa ito.”
“Kahit sina Austin o Patrizia, hindi nila pwedeng malaman ito, promise me?” wika ko at inilahad ang pinky finger ko.
He nodded several times and reached his pinky towards mine, “Pinky promise.”
“So, sino ang tinutukoy mo kanina na may nag-mamay-ari na ng puso mo?” Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang labi kaya hindi ko naiwasang mapangiti na rin.
“Who's your crush?” Kayden was curious and I have no more intention of keeping it to myself.
“Its Lucien.”
Agad kong tinakpan ng dalawang kamay ang namumula kong mukha at ang ngiting hindi ko mapigilan.
“Ayiiieee! Kaya pala minsan ang weird mo kapag kasama natin siya.”
Kayden keeps teasing me at hindi na siya natapos sa pagkain niya. Pero tumigil na siya nung may ilang kaklase namin ang dumating na sa classroom namin.
I kept my head rested on top of my desk dahil ayokong makita ng iba ang hitsura ko ngayon, and I blame Kayden for this na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Feelings (BL)
RomantikLev Andrew Collins. All his life he kept the truth about him being gay to everyone including his family and bestfriend. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, walang sikretong hindi nabubunyag. Date Started: June 2023 Date Ended: December 2023 Status: Comp...