Thirty-Four

143 8 1
                                    

34
LEV'S POV

I feel so miserable.

Lahat na yata ng mura masasabi ko na.

Nakakainis, hindi man lang siya nag-isip ng ibang solusyon. I know my parents are scary pero makakaiwas naman kami sa kanila.

Dahil kapag gusto may paraan.

But he acted like a coward and chose the most easiest and stupid solution. Breaking up my heart.

Akala ko mabait at matalino siyang tao, pero nagkamali pala ako.

Until the next day, I locked the door of my dorm at wala akong ganang makipag-usap kahit kanino. Hanggang kinabukasan ay nanatili lang akong nakahiga sa kama, I even skipped school because of my misery.

I heard my phone ring multiple times, pero wala akong pakielam kung sino ang mga tumatawag o nagtetext. Pinindot ko ang power-off button nito nang napuno na ako sa paulit-ulit na pangungulit nila.

“Lev?” It was Kayden's voice outside the door.

He knocked at my door, pero hindi ako gumalaw.

“Lev, please open the door!” he called out again.

But I chose to ignore him.

For the second time ay kumatok ulit siya.

“Lev, buksan mo ang pinto. Nag-aalala na ako sayo.”

“Go away!” Sigaw ko at alam kong naririnig iyon sa labas kaya sana naman ay sumunod siya.

“Hoy, wag mo akong gagalitin! Bubuksan mo 'to o sisirain ko 'tong pinto?!” pagbabanta niya.

Tsk!

Napilitan akong bumangon at dahan-dahan akong naglakad para buksan ang pinto.

“Lev— Oh shit, you look like a mess,” he said, stating the harsh truth.

I didn't react because I am aware of it.

Namumugto ang mga mata ko,  magulo ang buhok at suot ko pa rin ang uniporme na ginamit ko kahapon. Hindi na ako nakapagbihis dahil nakalimutan ko at nawalan ako ng ganang kumilos.

“Kumain ka na ba?” he asked after entering my room.

Umiling ako.

Wala pang laman ang tyan ko kagabi at hindi rin ako kumain ng agahan.

“You idiot. Akala ko makakabuti sayo ang pagkakaroon ng relasyon kay Lucien because he seems like a good man na kaya kang alagaan, but seeing you like this, he is so disappointing!” aniya at nagtungo sa kusina.

Binuksan niya ang kalan at nagpakulo ng tubig sa maliit na kaldero, saka kinuha ang isang sachet ng instant noodles sa itaas ng cabinet.

“So, care to tell me what is exactly happening to the both of you?” tanong niya habang hinihintay kumulo ang tubig.

Napabuntong ako ng hangin bago nagsalita.

I told Kayden the whole story of how Patrizia threatened Lucien to break up with me, and I ranted all of my hatred to Lucien after taking my sister's bait.

Kayden remained silent throughout my story.

“Patrizia? Seryoso nagawa ni Patrizia yun?” gulat na tanong ni Kayden.

“Hindi ka ba nakikinig? Patrizia contributed to our sufferings, hindi ako magkakaganito kung nanahimik siya!” sambit ko.

“Nag-usap na ba kayo? There must be a reason why she did that,” aniya.

Napataas ako ng isang kilay.

Kinakampihan ba niya si Patrizia? Palibhasa kasi may crush siya sa babaeng yun.

“Hey, I know that look Lev! Hindi sa pumipili ako ng side sa inyong dalawa, pero what if everything is a misunderstanding at kailangan niyo lang mag-usap,” he tried to defend himself.

“Ganun din kay Lucien, talk to him clearly so this problem will be solve,” dagdag niya.

“It's no use, he seems to not to care about me anymore. Ni hindi niya ako pinigilan umalis kahapon at ni hindi niya ako binisita o tinawagan para kamustahin ako.”

“You really are an idiot! Panay ang tawag niya sayo sadyang hindi mo lang sinasagot! At alam mo bang siya ang nagpapunta sa akin dito para makita ang kalagayan mo!” he shouted, at ikinabigla ko ang mga sinabi niya.

He did?

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa study table ko at muling pinindot ang power-on ang phone ko.

Pagkabukas agad kong tiningnan ang mga lumilitaw na notifications.

36 missed calls from
♡ Lucien♡

24 new messages from
♡ Lucien♡

Oh my gosh! Totoo nga!

“Alam mo bang napilitan akong magskip ng third period sa morning classes natin dahil sa pangungulit niya sa akin,” kwento pa niya.

“I'm sorry. Edi sana pagkatapos ng klase ka nalang pumunta rito,” wika ko.

“Idiot, kung hindi ako kaagad pumunta rito baka kung ano na ang nangyari sayo!” gatong niya, at saktong kumukulo na ang tubig kaya nilagay na niya ang noodles sa kaldero at mga seasonings nito.

“Why do you keep calling me an idiot? It's getting on my nerves!” Sumalubong ang magkabilang kilay ko at pinagkrus ang aking kamay sa dibdib ko.

“Then stop acting like one,” sagot niya na hindi ko mabara.

Kumuha siya ng bowl sa pinakababang shelf ng cabinet at dito inilagay ang niluto niya.

Lumapit ako sa dining table at pinatong ni Kayden ang mainit na pagkain sa ibabaw ng mesa sa harapan ko.

“Bakit ikaw ang pinapunta niya at hindi siya mismo ang pumunta dito?” tanong ko.

“Dahil alam niyang hindi mo siya pagbubuksan ng pinto kahit anong pakiusap niya,” sagot niya at umupo rin katapat ko.

“How could he be so sure na pagbubuksan kita ng pinto?” I asked again.

“Tsk, siyempre ako na 'to eh! I have the technique na hinding-hindi niya magagawa sayo,” pagyayabang niya.

“What's that?”

“Threatening you.”

Buti nalang hindi pa ako nagsisimulang kumain dahil baka nasamid na ako dahil sa sagot ni Kayden.

There I realized it was true after I recalled how he got me to stand up from my bed to open the door for him.

Minsan ang sarap niyang sampalin ng ilang beses, pero magpasalamat siya dahil may konsensya pa ako pagkatapos niya akong paglutuan ng agahan.

“Hey, promise me after you eat that makikipag-usap ka kay Lucien, that man is worrying about you and I am sure hindi niya gustong makipaghiwalay sayo,” he said calmly.

“Sige na, gagawin ko na,” I answered as if I was left with no choice.

But honestly, ayoko rin naman makipaghiwalay sa kanya.

And I already missed him.

His smile, his voice and his warm hugs.

Gusto ko na siya ulit makita.

Unstoppable Feelings (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon