Twenty-six

150 7 0
                                    

26
Lev's POV


Sa gitna ng pagmumuni-muni ko sa classroom, nakabalik ako sa realidad nang pinitik ni Kayden ang noo ko.

“Aray!” reklamo ko at sinamaan ko siya ng tingin.

“Kanina ka pa nakatulala dyan, ano na naman ba yang problema mo?”

Napatingin muna ako sa likuran ko at nakita si Lucien na abalang kausap ang mga kaklase namin na nakapalibot sa kanya.

“I talked to Lucien yesterday in front of my dorm room,” bulong ko kay Kayden.

Kayden looked at me na parang tsismosong sabik makarinig ng tsismis.

“And he said he wants to be friends with me,” dagdag ko.

“So? Anong pino-problema mo dyan kung maganda naman pala ang sinabi niya?” tanong niya.


“I want to be friends with you.”

Kumunot ang noo ko, “Huh?

“I want to know you more Lev,” dagdag niya.

“Bakit?” tanong ko.

He smiled awkwardly at umiwas ng tingin sa akin, “You sound like you don't want to, but it's fine. I'll see you tomorrow, Lev.”

Nagpaalam na siya at pumasok na sa dorm niya. Nanatili lang akong nakatayo at hindi ko siya nagawang pinigilan.

“Ang tanga mo naman!” malakas na komento ni Kayden nang matapos ko i-kwento sa kanya ang nangyari kahapon.

“The chance of development was there! You could just accept it—” kaagad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa lakas ng boses niya.

“Shhhh!” saway ko.

Magkasalubong ang kanyang mga kilay nang lumapit siya sa akin, “Isang salita lang ang kailangan mong sabihin sa kanya kahapon, it could be ‘yes’, or ‘sure’, or di kaya kung hindi mo kayang sumagot tumango ka nalang dapat.”

“Alam kong mali ang lumabas sa bibig ko, that's why I regret it now,” naiiyak kong wika at ibinaon ang mukha ko sa desk.

Because of my stupidity nagdudusa ako ngayon.

-- • ° • --

“For your next performance task, you will research the topic that will be given to you and report it in front.”

Nakahalumbaba akong nakikinig sa guro namin na nagsasalita sa unahan.

Nakakainis, reporting na naman. Kahit ilang beses na pinapagawa sa amin yan, kinakabahan pa rin ako at nanginginig ang boses ko kapag nagsasalita na ako sa harapan ng buong klase.

“You will do this by partners, and you can freely choose whom you want to work with,” dagdag ng guro namin kaya kaagad akong napalingon sa katabi kong si Kayden.

“Kayd—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang napatayo at dumayo sa likuran.

“Garvey! Partner tayo.” Nakaawang ang bibig ko habang pinapanood ko si Kayden na naghahanap ng ibang makakasama sa activity.

Nagsasawa na ba siya sa akin?

Edi fine! Bahala na siya.

Habang ang lahat ay nagkakagulo sa pagdedesisyon kung sino ang gusto nilang maging partner, nakakrus lang ang mga kamay ko sa aking dibdib at wala akong ginawa kundi umupo lang sa silya ko, not minding everyone's business.

Unstoppable Feelings (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon