Thirty-One

132 6 0
                                    

31
LEV'S POV

Makulimlim ang kalangitan at ang lamig ng simoy ng hangin. Nakakatamad tuloy pumasok sa klase.

Pero buti nalang may motibasyon ako sa malamig na araw na ito para pumasok, I don't want to let the day pass without seeing my crush who is now my boyfriend.

"So what happened?" tanong kaagad ni Kayden sa akin kahit hindi ko pa naibaba ang backpack sa upuan ko.

"Wala ka sa dormroom mo nung pumunta ako kanina, tapos ngayon ko lang nakitang magkasabay kayo ni Lucien na pumasok sa classroom which is suspicion."

Wow, this guy is very observant. Ano pa ba ang aasahan ko kay Kayden, I seem to be an open book to him.

Binaba ko na ang backpack ko at mas nilapit ang upuan ko sa kanya bago umupo.

"I also spent my weekends at my boyfriend's house," I said, spilling the tea.

Namilog ang parehong mata niya, "B-boy-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang dalawang kamay ko bago pa niya isigaw ito sa buong klase.

"Kayo na?" gulat na bulong niya.

"Yeah, at bukod sa parents ni Lucien you are the second to know," bulong ko sa kanya pabalik.

Mas lumawak ang mata niya, "He also introduced you to his parents?"

"Kakasabi ko lang, ayoko nang ulitin," sarcastic kong sagot.

"Wow, what a shocking development. Gusto mo bang magpalit kami ng pwesto para katabi mo-"

"No thanks," putol ko sa sasabihin ni Kayden.

I still know my limits, ayokong may ibang makahalata sa amin dito sa Eastern Pearl, for the sake of our peace.

Walang teacher ang pumasok para sa first subject kaya nagkaroon kami ng freetime, pero wala naman akong magawa.

Napatingin ako sa labas bintana at natatabunan pa rin ng mga makakapal na ulap ang araw at tila ilang segundo ay babagsak na ang ulan.

"Nakakainis, alam nang may bagyong paparating, hindi pa rin sinuspend ang klase," komento ni Kayden na nakatingin din sa bintana.

"Talaga? Hindi ko alam," saad ko.

"Ayan kasi, hindi ka nanonood ng balita! Kaya ngayon hindi ka updated," sermon niya.

Tss. Required ba talaga na araw-araw dapat manood ng balita? Paano kung busy lang talaga ako kahapon kaya hindi ako naupdate kung ano na ang latest sa balita.

As expected, unti-unting bumuhos na ang malakas na ulan.

"Class 10 A!" Lahat kami ay napatingin sa may pinto nang may pumasok na teacher.

"Ayusin niyo na ang mga gamit niyo at maghanda nang umuwi. Classes are now suspended," the teacher announced.

"Tsk, ngayon lang kung kailan bumagsak na ang ulan," mahinang reklamo ni Kayden.

Pero hindi lang si Kayden ang may sama ng loob dahil pati mga kaklase ko ay nagrereklamo rin.

Ang kalahati ay busy sa pag-ayos ng mga gamit nila, habang ang ilan ay tinatawagan ang mga guardians nila para magpasundo.

----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----

LUCIEN'S POV

"May payong ka ba?" I heard Lev asking his friend, Kayden.

Madali kong binuksan ang bag ko para kunin ang extra kong payong at lumapit sa kanya.

Unstoppable Feelings (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon