28
Lev's POV"Good luck, Lev!" pabirong saad ni Kayden bago lumabas ng gate at dumiretso na sa bus stop na malapit sa Eastern Pearl.
I tried to ignore him dahil puro lang kalokohan lang siya, but it still affects my system. For some reason kinakabahan ako.
"Are you waiting for me?" a voice startled me.
It was Lucien. Kakalabas palang niya sa academy gates.
I was about to open my mouth to answer pero naunahan niya ako.
"I'm kidding. Let's go, sabay na tayong pumunta sa dorms," pag-aya niya.
Tumango lang ako at sumabay na sa kanya. I didn't let my real emotion show in my face though inside me I'm already screaming in happiness, at hindi mapakali ang puso ko.
---
Lucien's POV
Lumalalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Kinuha ko ang phone ko at naisipan kong tawagan ang unang naiisip kong hindi pa natutulog nang ganitong oras.
It rang thrice before she picked up.
[Lucien? Why are you still awake? Maghahating gabi na?]
“Good evening too, mom,” I answered in a sarcastic tone, “I must got this habit of staying awake late from you.”
Narinig ko ang pagtawa ni mama sa kabilang linya.
[Lucien, you must heard the news about our art gallery right? Will you come? Your presence will make mom happy.]
“Don't worry mom, I'll be there tomorrow and I'll bring someone with me.”
[Your friend, James?]
“No, wala siyang hilig sa arts so why bring him.”
[Oh, are you bringing someone in our art gallery for a date?] Halata ang panunukso sa tono ni mama sa kabilang linya.
“N-no!”
[Are you sure?]
“Umm—”
[Just remember you always have my support, kaya wag mo rin kalimutan na ipakilala siya sa akin.]
One of the things I feel grateful on my family is their full support sa lahat ng bagay na gusto kong gawin.
Especially what happened three years ago nang nalaman nina papa at mama ang sexual orientation ko, at hanggang ngayon ay ramdam ko ang patuloy nilang pagsuporta nila sa akin.
“Thanks mom, goodnight.”
With that, binaba ko na ang phone ko at payapang humiga sa kama.
I closed my eyes, smiling. I can't help myself to look forward for tomorrow.
-- •°• --
“You look tired,” nag-aalalang wika ni Lev pagkarating namin sa bus stop.
Napansin niya yata na kanina pa ako humihikab.
“Don't mind me, I'm very fine,” nakangiting sagot ko.
Unexpectedly, quarter to 9 na akong nagising kaninang umaga. This is so not me, noon kahit magpuyat ako maaga pa rin ako nagigising.
Isang oras ang naging biyahe namin papunta sa Leroux Art Gallery.
Sa entrance palang ay marami nang tao ang nagsisipasok at kasama na kami ni Lev doon.
Because of the success of this gallery, pina-renovate ito nina mama, kaya ngayon the place can accommodate thousand of people at the same time.
Napalingon ako sa kasama ko na wala ang pokus sa dinadaan niya dahil busy siya sa pag-tingin sa mga artworks sa paligid.
Hindi ko kaagad napansin na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya.
May mga grupo ng magkakaibigan sa harapan namin na nag-uusap at hindi pa ito napapansin ni Lev kaya aksidente niyang natamaan ang balikat ng isang babae nang dumaan kami sa tabi nila.
“Hoy, hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo?!” naniningkit ang mga mata ng babaeng nakabangga ni Lev.
“I'm really sorry, hindi ko sinasadya,” agad na humingi si Lev ng tawad ngunit masama pa rin ang tingin ng babae.
“We apologize, pero hindi ka sana mababangga ng kaibigan ko kung hindi kayo nakaharang sa daanan at sa gilid kayo nagtutumpukan,” saad ko,
The girl gasped and looked at me, offended by my words.
Before she could say anything, I took Lev's hand and we walked away from them. Lalayo na kami bago pa lumala at magkaroon pa ng drama dito.
“Hindi mo na dapat sinabi yun, mas ginalit mo lang siya. Tsaka kasalanan ko dahil hindi talaga ako tumitingin sa dinadaanan ko,” malungkot na komento ni Lev.
“Forget it, nangyari na ang nangyari. Don't let it destroy our day,” tugon ko. “Let's go to the second floor, halos nandun ang mga latest artworks ni mama at mga collaborative artworks niya with other underrated artist.”
“How about you? Do you paint?” he asked.
“Most of the time,” sagot ko, pero nakakahiyang aminin na thrice in a year ko lang na-tra-try gumawa at hindi ko rin tinatapos ang mga gawa ko.
“Cool! Next time gusto kong makita ang gawa mo,” masiglang wika niya.
“You won't like it. Lower your expectations dahil hindi ito kasingganda ng kay mama.”
Pabiro niyang sinuntok ang balikat ko, “Don't be like that, na-a-appreciate ko ang lahat ng mga artworks dahil alam kong bininigyan ito ng efforts sa paggawa.”
“Really? Kahit mukhang gawa ng elementary ang gawa ko?” sarcastic kong tanong.
“Oo naman,” seryosong sagot niya kaya wala na akong masabi.
“Oops, wait lang!” nagulat ako nang biglang napahinto si Lev.
“Why? Anong problema?” nag-aalalang tanong ko.
“I forgot to take a picture,” sagot niya at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa niya.
Bahagya akong natawa sa kanya.
Kinuha ko ang phone mula sa kanya at binuksan ang camera na nakaharap sa kanya, “Ako na ang kukuha ng picture mo.”
Lumawak ang ngiti niya at nag peace sign.
He's cute.
“1, 2, 3...” pagbilang ko sabay pindot sa camera shutter.
“Lucien?”
Napahinto ako nang marinig ko ang boses na iyon.
Naglaho ang kasiyahan sa ekspresyon ko nang mapagtanto ko kung sino ito.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Feelings (BL)
RomantikLev Andrew Collins. All his life he kept the truth about him being gay to everyone including his family and bestfriend. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, walang sikretong hindi nabubunyag. Date Started: June 2023 Date Ended: December 2023 Status: Comp...