16
Lev's POV
Tanghali na ako nagising kinabukasan, at hindi ko na rin naabutan sina mama at papa sa bahay dahil maaga silang umalis at nagtungo sa kompanya kung saan sila nagtratrabaho downtown.Bumaba na ako at pumasok sa kusina, saktong kakatapos lang kumain nina Austin at Patrizia.
“Grabe, kinalimutan niyo na ba ako para mauna na kayo at hindi ako inaya,” reklamo ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.
“Your such a heavy sleeper, alam mo ba kung ilang beses namin tinawag kanina ang pangalan mo sa labas ng kwarto mo?! Tsaka bakit mo ba ni-la-lock ang pinto mo?” reklamo rin ni Austin pabalik sa akin.
“Edi sorry,” I didn't sound sincere because I'm really not.
Umupo na ako sa hapag-kainan, at binigyan ako ni Patrizia ng plato at kutsara bago niya kinuha ang mga plato at baso na ginamit nila ni Austin at nilagay sa sink.
“Lev, nasaan na ang libro na hiniram mo sakin nung nakaraang libro?” tanong sa akin ni Austin.
“Nasa study table ko, kunin mo nalang doon,” sagot ko habang nagsasandok ng kanin.
“Okay.” Umalis na si Austin sa kusina at umakyat sa pangalawang palapag.
Tinanggal ko ang platong nakatakip sa isa pang plato para kumuha ng ulam at bigla akong nagsisi na tanghali na akong nagising.
Isang piraso ng bacon at isang sausage, nakakadismayang ito nalang ang iniwan ng mga kapatid ko sa akin.
Bahagyang natawa si Patrizia habang umupo katabi ko at pinanood ang naging reaksyon ko.
“Maswerte kang natiis naming tirhan ka ng ulam, dahil kung hindi magluluto ka talaga ng sarili mong ulam,” komento niya na hindi ko kinatuwa.
I didn't mind her at kinuha ko nalang ang natitirang ulam at nilagay sa plato ko. Bahala na, gutom na rin ako para magluto pa ng ibang ulam dahil hindi ako kumain kagabi.
“Li'l bro, your not mad at our parents right?” she said.
“Not now, Pat. Baka mawala ang gana kong kumain.” Hindi ko alam kung bakit niya binubuksan ang ganitong topic, pero hindi ko ito nagugustuhan.
“Nag-aalala lang sila sayo kaya ganun sila kahapon,” dagdag niya.
Napangiwi ako, “Nag-aalala? About what? Na totoo ang mga tsismis na bakla nga ako?”
“Nag-aalala sila sa magiging epekto ng mga ginagawa ng mga bullies sayo. Our parents love you,” she replied.
I doubt that.
“Whatever. Patapusin mo na akong kumain, pwede?” sinamaan ko siya ng tingin bago sumubo muli.
Tumayo na si Patrizia at hindi niya na ako inabala pa.
---
Austin's POV
Bitbit ang chess board ko, lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Lev at kumatok.
I heard no response.
Pinihit ko na ang door knob niya at himalang hindi naka-lock ang pinto niya, dahil nakasanayan niya nang i-lock ang pinto niya sa lahat ng oras.
Nakahiga lang siya sa kama niya habang hawak ang phone niya.
“Li'l bro! Wanna play a game?” pag-aya ko sa kanya at pinakita ang chess board.
Tumingin naman siya sa akin at bumangon mula sa pagkakahiga niya at binitiwan ang phone niya.
“Sure! I'll play white,” sagot niya.
Pareho kaming naka-indian seat sa sahig at pinuwesto ang mga chess pieces namin. Like he requested, he took the white while I took the black.
Nauna siyang gumalaw saka ako.
Like his usual game, he played Sicilian defense as his opening. Dahil na-pre-predict ko na ang mga gagawin niyang traps, kaya ko na itong iwasan at gumawa ng sarili kong pag-atake.
On the middle of our game, halos kalahating pieces namin ang natanggal na sa board.
“So, is Lucien your friend?” pagbukas ko ng topic.
“We're not that close,” sagot niya habang nasa board pa rin ang focus niya.
“Do you like him?” tanong ko ulit at bigla siyang napatingin sa akin pero agad din siyang umiwas.
“Checkmate.” Napatingin ako sa chess piece na ginalaw niya. I wasn't completely focus kaya hindi ko napansin na na-corner niya na ang hari ko.
I lost to him.
But honestly, playing chess wasn't my intention of coming here, but his confirmation to my suspicion.
Earlier...
Pagkabukas ko ng librong hiniram sa akin ni Lev nagulat ako ng makita ang ilang pictures ng familiar na lalaki na ginawa niyang bookmark.
Tama! Naalala ko na, ilang beses ko na siyang nakikitang kasama sina Edric at James.
I took the picture at may napansin akong nakasulat sa likod nito. Handwriting ito ni Lev.
ILYSM Lucien!
I'm not stupid to not know these acronyms.
Sigurado akong hindi lang kaibigan ang tingin ng kapatid ko sa lalaking ito, at nagsisimula na akong maghinalang nagsisinungaling sa amin ni Lev.
But I can't blame him, paano niya masasabi ang totoo kung wala siyang nararamdamang suporta mula sa amin. And I am idiot not to realize it sooner.
“Lev, whatever happen just know that I still accept and support your decisions dahil kapatid kita,” I said indirectly.
Kumunot ang noo niya, hindi ko alam kung nagpapanggap siya o sadyang hindi niya talaga gets ang gusto kong sabihin.
Pero ayokong pwersahin siya sa pagsalita, kung hindi pa siya handa ay hahayaan ko nalang muna siya.
“I'll remember that,” he smiled pero nahahalata kong napipilitan lang siyang ngumiti.
“Another round?” I asked, at agad naman siyang tumango.
We switched color and began the game.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Feelings (BL)
RomanceLev Andrew Collins. All his life he kept the truth about him being gay to everyone including his family and bestfriend. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, walang sikretong hindi nabubunyag. Date Started: June 2023 Date Ended: December 2023 Status: Comp...