Four
Lev's POV
“LEV!” Pagkatapos ng afternoon classes namin, nagulat nalang ako nang malamang inaabangan pala ako ni Patrizia sa classroom namin.Pagkalabas ko nang pinto, siya kaagad ang bumungad sa akin. Patrizia was frowning and both of her hands are on her hips.
“H-hi Pat,” bati ni Kayden, na nasa tabi ko na pala. Pero hindi siya pinansin ni Patrizia.
“Lev, sumama ka sa akin,” she grabbed my wrist, at hinila palayo sa classroom.
Mabilis ang mga hakbang niya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, “Hey, it hurts Pat!” reklamo ko.
She gasped at kaagad niyang binitawan ang kamay ko, “Oops sorry, I forgot to control my strenght.”
Her hand left a red mark around my wrist, at ramdam ko pa rin ang kirot sa pagkakahawak niya sa akin.
“I heard that you were punished earlier,” she began.
“At nandito ka para sermonan ako?” tanong ko at tinaas ang isang kilay ko.
She laughed, “Of course not! Trabaho ni Austin yan. Kaya bago matapos ang klase niya at hanapin ka, samahan mo ako sa labas ng academy.”
Walang pag-alinlangan akong sumunod sa kapatid ko hanggang sa makalabas kami ng school gate.
Sumabay din sa amin ang dalawang kaklase ni Patrizia kaya na-a-out of place ako sa kanilang tatlo, but I didn't mind it.
Nagtungo kami sa CnD Bookstore, nasa kabilang kalye lang ito ng Eastern Pearl. Bukod sa mga libro, may mga school supplies din sila.
Habang naghahanap sina Patrizia ng mga kailangan daw nila sa group project, nagtungo ako sa fictional section ng mga libro.
Napansin kong may dalawang shelves ng mga libro ang dedicated sa mga LGBT dahil puro GL or BL novels at comics ang naririto. Gusto ko sanang bumili ngunit siguradong paghihinalaan ako ni Patrizia and worse case scenario kakalat ang balita at malalaman ng lahat ang sikreto ko and my parents and siblings will dishonor me—
“Lev,” napatigil ako sa pag-iisip nung narinig ko ang pagtawag ni Patrizia sa akin.
“May gusto ka bang bilhin na libro?” she asked at bago pa siya pumasok sa book section kung nasaan ako, umalis na ako dito upang hindi niya makita ang mga librong tiningnan ko.
“W-wala, I didn't bring any money kaya wala akong mabibili,” sagot ko.
“That's fine, ako na ang magbabayad,” she said.
“No need. Wala rin naman akong nagustuhan,” pagsisinungaling ko.
Pagkatapos nilang bayaran sa counter ang mga school supplies na binili nina Patrizia ay lumabas na kami sa CnD Bookstore.
“Let's head next to the bakery,” suhestiyon ng isang kaibigan ni Patrizia at tinuro ang bakery na katapat ng bookstore.
Sumangayon naman si Patrizia, pero sa gilid ng bakery ay may nakita akong print shop.
“Hey, Pat. Lend me some money, may ipa-pa-print lang ako,” I asked my sister.
Kaagad niya naman akong inabutan ng limang daan at humiwalay na ako sa kanila papunta sa print shop.
Pina-print ko ang lahat ng mga picture ni Lucien na kinuha ko kanina for my treasures to keep.
---
“Goodluck li'l bro, this is just one of your challenges, ipasok mo lang sa isang tengga at ilabas sa kabila ang mga nakakairitang salita ni Austin,” wika ni Patrizia habang papasok na kami sa school dormitory.
Nakabukas na ang mga ilaw sa hallway dahil lumubog na ang araw nung nakabalik kami dito.
Nasa second floor ang dorm room ko habang nasa pangatlo naman ang kay Patrizia, kaya mag-isa na lamang akong naglalakad papunta sa kwarto ko.
Kahit sampung metro pa ang layo ko, may nakikita na akong taong nakasandal sa pintuan ko.
Napabuntong hininga nalang ako, walang duda si Austin ito.
His arms are crossed to his chest, magkasalubong ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin, but I don't find it intimidating dahil nasanay na ako sa kanya.
“Hoy Lev,” his voice sounds strict. Mahilig siyang sermonan kami sa mga maling nagawa namin ni Patrizia because this idiot wants to be superior.
“Kelan ka pang natuto mag-cutting classes ha?!”
Kumunot ang noo ko.
“Ano?”
“May kaklase akong nakakita sa inyo na papunta sa school gymnasium nung first period,” paliwanag ni Austin.
“Hindi kami nag-cutting classes, pinalabas kami ni Ms. Horror sa klase dahil nakalimutan ko ang homework at nag-ingay kami ni Kayden,” pagsabi ko ng katotohanan.
“Eh, bakit mo kasi hindi ginawa ang assignment mo nitong weekends puro selpon lang naman ang hawak mo!” sigaw niya at halos nag-e-echo na ang boses niya.
“Hoy, anong sinasabi mo dyan? Ikaw nga nakaupo lang maghapon kakahawak ng mga libro mo at ako pa talaga ang naglilinis sa kwarto mo dahil tamad ka sa gawain bahay!” sagot ko sa kanya.
He looked offended but I couldn't care less.
Bago ko pa napansin, footsteps walked near to us.
Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita si Lucien. Ngayon ko lang naalala na nasa tapat pala ng kwarto ko ang dorm room niya.
“Hey, where's your respect to your older brother—” I know mahaba pa ang mga sinasabi ni Austin pero parang wala na akong naririnig nung nagtama ang mga mata namin ni Lucien.
I don't know if it's just an illusion pero parang nakita ko siyang ngumiti sa akin bago siya pumasok sa kwarto niya.
“Nakikinig ka pa ba?” Austin's voice interrupted my thoughts.
“Kung tapos ka na, umalis ka na. I'm tired.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil binuksan ko na ang pinto at pumasok na ako. Naririnig ko pa ang pagrereklamo ni Austin sa labas pero hindi ko na siya pinansin.
Pabagsak akong humiga sa kama. Tumingala ako sa itaas ng kisame at bigla kong naalala ang ngiti ni Lucien kanina.
“But why was he smiling?” tanong ko sa sarili.
Narinig niya siguro kami ni Austin kanina.
“Argh! Nakakahiya!” Kinuha ko ang unan ang tinakpan ang mukha kong namumula.
That scene earlier with Austin probably looked like scolding a teenager because of being childish.
“Stupid Austin! Now my crush probably thinks I'm childish!” sigaw ko habang nakatakip pa rin ang unan ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Feelings (BL)
RomanceLev Andrew Collins. All his life he kept the truth about him being gay to everyone including his family and bestfriend. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, walang sikretong hindi nabubunyag. Date Started: June 2023 Date Ended: December 2023 Status: Comp...