Thirteen

166 10 0
                                    

13
Lev's POV

Hindi ako pumasok sa mga morning classes dahil bumalik ako sa dormitory at nagkulong sa loob ng kwarto ko.

Nanatili akong nakahiga sa kama habang nakabalot sa kumot ko.

I feel so depress. Feeling ko rin pinagtatawanan na ako ng lahat at kung ano-ano na ang tinatawag nila sa akin.

Gusto ko nalang mawala sa mundo, my dignity is ruined. At ang malala, nalaman na ni Lucien ang totoo, he's probably disgusted by me now.

“Lev!” narinig ko ang boses ni Patrizia sa labas at ilang beses siyang kumatok sa pinto ko.

Pero dahil tinatamad akong gumalaw, hinayaan ko lang siya.

After many minutes, bigla ko nalang narinig na bumukas ang pinto ko.

Agad akong bumangon sa kama, “Paano mo nabuksan ang pinto ko?!” inis kong tanong.

Magkasama pala sina Austin at Patrizia na pumapasok, but I don't want anyone to see me right now.

“Humiram kami sa office ng replicate key sa dorm room mo,” paliwanag ni Austin.

“That's illegal!” reklamo ko.

“Tumahimik ka nga dyan, kapatid mo kami kaya pinayagan kaming humiram ng susi dahil pinag-alala mo kami!” Austin reasoned.

“Lev, ang sama ng itsura mo, your eyes are swollen,” nag-aalalang wika ni Patrizia at umupo sa kama para tumabi sa akin.

That's because halos nailabas ko na ang mga luha na kaya kong ilabas, pero parang ang sama pa rin ng kalooban ko.

“Kumain ka na ba? Dinalhan ka namin ng tanghalian,” inabot sa akin ni Austin ang hawak niyang lunch box.

Hindi ko namalayan ang oras, tanghali na pala at kaya sila nandito dahil lunch break na.

“Hindi pa ako gutom,” pagtangi ko dahil wala akong gana para kumain.

“Lev, totoo ba?” kalmadong tanong ni Austin.

He's probably asking about what's written on that bulletin board.

Napalunok ako ng sariling laway.

“H-hindi,” pagsisinungaling ko.

Napatingin silang dalawa sa isa't isa, tila hindi sigurado kung paniniwalaan nila ako o hindi.

“Lev, wala kang dapat itago sa amin—”

“HINDI NGA IYON TOTOO!” hindi ko napigilang sumigaw.

What Patrizia said was so deja vu. The last time I told the truth the result wasn't good, ayoko ko nang maulit pa ito.

“Okay, calm down li'l bro. Maniniwala kami sayo,” wika ni Patrizia.

“Kung ganon naman pala, wala kang dapat ikatakot dahil sa mga maling tsismis. Itigil mo na ang pagtago dito at pumasok ka na,” sermon ni Austin.

I clenched my fist. He's so insensitive dahil hindi niya alam ang nararamdaman ko ngayon, fake news o totoo, masakit pa rin marinig ang mga panghuhusga ng ibang mga tao.

“Wag kang mag-alala, the principal and the school council is finding the culprit of vandalism, mapaparusahan ang may gawa nito,” ani Patrizia na ikinabigla ko.

“The principal knows?!” gulat kong tanong.

“Yes, akala niya ikaw ang may gawa nun pero dumating ang kaibigan mong si Kayden at pinaliwanag niyang may nambu-bully sayo at gusto kang siraan,” paliwanag ni Patrizia.

“He's not my friend. Baka siya pa ang mastermind dito,” galit kong saad.

“What? Bakit mo pinaghihinalaan si Kayden? You two are so close,” takang tanong ni Patrizia.

“Its complicated,” sagot ko nalang dahil nahihirapan akong i-explain ang lahat.

“Also, our parents already know someone is bullying you,” dagdag ni Austin.

“ANO?!”

Bakit kailangan pa nilang malaman 'to? Sila pa naman ang pinakauna sa listahan ko na ayokong makaalam tungkol sa isyu na ito.

“The principal called them to report the incident related to you,” ani Austin.

“Kaya wag ka nang mag-alala, mapaparusahan ang may sala and everything will be fine. Kaya kumain ka na,” muling binigay ni Patrizia ang baunan sa akin at napilitan akong tanggapin ito.

“Pagkatapos mong kumain, prepare yourself. Ayaw mo naman umabsent at mahuli sa mga lessons diba?” saad ni Austin.

Tumango nalang ako at sinunod sila.

I know these two came here to help me at upang pagaanin ang loob ko, pero parang hindi sila nakatulong at lumala lang ang sitwasyon dahil hindi talaga nila ako naiintindihan.

Unstoppable Feelings (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon