Isang oras at kalahati ang tinagal bago kami nakarating sa kung saan man kami papunta.Tahimik ang lugar kung wala ang mga huni ng ibon at ang tahol ng isang aso na kasama ang bantay nitong matanda.
Nalaman naman namin na lolo siya ni Art, ang President ng university at kaya pala may pagkakahawig ang ama ni Art sa kanya ganon narin si Art sa kanyang ama.
Maganda ang tanawin lalo na kung nasa itaas ka ng bundok. Mahangin pareho, itaas man o sa baba ngunit wala kang masasagap na network kung nasa baba ka at sa kung sa itaas naman ay four bars.
"Naiihi ako, where's the cr?"tanong ko kay Hera matapos siyang malapitan. Andito siya sa maliit na hagdan nitong isang cottage na gawa lahat sa kahoy.
Tinuro niya ang cottage sa kanya'ng likuran. Taka ko muna siyang tinignan bago lumapit sa pinto dahil busy siya sa kanyang selpon at parang may pinapanood.
"Hey, it's lock"nilingon ko siya habang hawak ang doorknob.
May kinuha siya sa kanyang bulsa at nakita ko na susi iyon. Tumayo siya at hinarap ako saka nilahad iyon saakin.
Kinuha ko iyon at binuksan ang pinto. Nilingon ko siya"are you watching something?"tanong ko.
"Yeah, laro nila Alexius, live ngayon"pinakita niya saakin ang screen ng kanyang selpon at totoo nga na laro nila Alexius sa chess.
"He'll win it, no worries"
"Alam ko. Nakita ko mga trophy, certificate at medals niya sa bahay nila dati. Ang dami nga hahaha"naka ngiting sabi niya.
"He's a talented man"napa iling ako at humakbang papasok"asan banda?"tanong ko.
"Diritso kalang, may makikita ka na pinto at may naka ukit don na 'cr', yon na yon"sagot niya at binalik ang atensyon sa kanyang selpon.
Tumango ako at bahagya na sinara ang pinto. Naglakad ako ng diritso at nakita ko naman ang pinto ng cr. Binuksan ko iyon at pumasok.
Pagkalabas ko ay wala na si Hera. Lumingon-lingon ako sa paligid ngunit hindi ko siya mahanap. Mga campers lang ang nakikita ko na nagmumunimuni at naglalakadlakad.
Lumingon-lingon pa ulit ako sa paligid habang pababa ako at naisipan nalang na mag punta sa kung saan andon ang ilan.
Si Ronan lang ang aking nakita kasama ang kanyang nobya at tumutulong sa ilang campers ngunit biglaan ay nakita ko naman siya na animoy tinitignan ang kanyang papel na at titingin sa ilang campers na parang nag aattendance.
Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya para kunin atensyon niya.
Nilingon niya ako"oh, hey, Ronan said that na tutulong ka daw samin"aniya.
Napa buntong hininga ako nang maalala ang sinabi saakin ni Ronan nang tumawag ako sa kanya.
Pinigilan ko ang hindi mapairap sa inis ngunit hindi ko nagawa"yeah"walang gana ko na sabi.
"Tulong kana dito saamin"
Huminga ako ng malalim at ginawa ang dapat ko na gawin"k"
Limang tents ata ang nagawa namin at tumulong pa sa iba na itayo iyon, ganon narin ang mag-ayos sa loob ng tent ay ginawa namin at ang iligpit ang mga kalat ay mga ginamit para maitayo ang mga iyon.
Ngayon ay nakatayo ako sa likuran ni Hera hawak ang dalawang in-can na coke. Napa upo siya habang tinitignan ang ilog sa harapan namin.
"Coke?"
Angat ang tingin na nilingon niya ako"para sakin?"
"No, it's for the ilog infront of us"nginiwian ko siya at umupo sa tabi niya. Binuksan ko ang coke para sa kanya at nilahad iyon sa kanya pagkatapos.
YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
RandomHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...