"Matagal ba?"tanong ni Ame kay Sav na busy naman sa pag vi-video sa mga puno na madadaanan ng sasakyan ni Terrence."Yeah?"natawa pa si Sav matapos iyon kaya tinadyakan ni Ame ang likuran ng inuupoan nito sa passenger"isang oras, okay?"nilingon siya ni Savarra at nginitian.
"Pa snatch sana yang camera mo"sumandal si Ame matapos irapan si Sav.
"Tch, sino naman e-snatch? Yong mga puno"binigyan atensyon uli ni Sav ang hawak niyang camera.
"Maybe they're alive?"napa kibit balikat nalang si Ame.
Nilingon ko si Terrence na siyang nag mamaneho at kanina pa kumakain niyang strawberry na baon niya at ayon ang chocolate sa gitna ng kanyang mga paa at ginagawa niyang saw-sawan.
"You want?"tanong niya at madaling tinignan ako sa may side mirror.
Umiling ako"no"
"Then why 'yo looking at me like that?"napa nguso siya.
"Because I'm judging you silently"nilingon ko si Alexius na halatang may ka-chat sa kanyang selpon.
Grabe maka ngiti.
"Okay kalang?"binaba ko ang kanyang mga tuhod na naka patong na sa upoan.
Nilingon niya ako"baliw, malamang"naka nguso'ng sagot niya ngunit halatang ngumingiti naman siya.
Okay?
Tinalikuran niya ako at sinandal ang ulo sa sandalan ng inuupoan niya.
Gusto ko sana sumilip sa kanyang selpon ngunit hindi ko magawa dahil natatago niya iyon at natatakpan ng kanyang jacket.
Isang oras at kalahati—ngunit masasabi ko na dalawang oras na iyon bago kami nakarating dito sa beach.
"Saan tayo matutulog?"tanong ni Terrence habang kinukunan ng litrato ang dagat sa harapan niya.
Malayo pa iyon mula rito sa entrance at itong buhangin nila ay naramdam ko ang init. Kanina kasi ay galit na galit na nag lakad itong si Ame na nasa likuran ko naman dahil ayaw siyang pahiramin ni Sav ng camera nito.
"Sa kama, malamang, alangan naman sa lapag"napa ngiwi si Sav at walang kabuhay-buhay na nilahad kay Ame ang kanyang camera.
"I mean!"hinarap ni Terrence si Sav"saan nga?"tinuro niya ang building na parang condo na malapit sa amin"saan diyan? Saan sa mga bahay na yan?"
"Tch, anong bahay? That's a fucking building, stupid"nilingon iyon ni Sav at napa ngiwi pa dahil sa sumampal sa muka at mga mata niya ang init at sinag ng araw.
"Still the same, parehong tinutuluyan kahit hindi palagi"
"Hindi lahat ng tinutuluyan bahay"hinarap uli ni Sav si Terrence.
"Oo nga"sumang-ayon si Alexius na ngayon ay naka sando nalang at naka patong na sa ulo niya ang kanyang jacket"iyong iba tinutuluyan na mawala dito sa mundo"
"Susunod ka pag sumang-ayon kapa sa ate mo, bff"inakbayan ni Terrence si Alexius.
"Ano ba yan, mamayang alas tres paba tayo maliligo?"tanong ni Ame.
Nilingon ko siya"bakit naman? Hindi ba pwedeng ngayon nalang?"
"Tch, paniguradong mainit yong tubig, baliw"mataray niyang sabi.
"Bakit naman mainit? Wala namang apoy sa ilalim niyan at walang volcano malapit rito"sabat ni Terrence"joke, hindi ko talaga alam, bago lang ako e"
"Hoy, kahit iyong init wala sa ilalim, mag iinit parin basta pinapainitan. Kahit nasa itaas o tabi-tabi pa yan"sinilip ni Sav ang araw.

YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
RandomHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...