44

8 0 0
                                    


Hades, Heri, Hiro at ako ang andito sa loob at binabantayan si Haru, andito rin ang kanyang personal na doctor, ganon din ang dalawang nurse na nakita ko kagabi.

Tinagal pa ang pag check nila sa kapatid ko ngunit hindi ako nabahala don, ang mas mahalaga ay gising na siya at maayos daw naman ang lagay nito.

Kaylangan lang niya ng pahinga at iyong naka kabit sa kanya ay tinanggal na.

"I talked to the doctor, I told him that we don't need a nurse anymore para sa pag-aalalaga sa sugat ni Haru, si Heri gagawa non, she's a med-student"wika sa akin ni Hades nang makabalik siya dito sa loob matapos samahan ang doctor paalis.

Hagod ang buhok ng kapatid ko ay nilingon ko si Heri na agad namang nag iwas ng tingin sa akin.

"Ako nalang"sabi ko at napa asik.

"Ayaw niya talaga sa akin, kuya"

"Iyakin ka kasi, psh"

"You too! I saw you cried kanina"

"Because she's mean!"

"And yes she is!"

"Ate, sino sila?"pabulong na tanong sa akin ni Haru habang naka tingin sa dalawang iyakin na kapatid ni Hades.

"Kapatid sila ni Hades"mahinang sagot ko.

"So, kapatid natin?"naka ngiting tanong niya.

Hindi.

"Oo"pilit akong ngumiti, dapat positive ang sagot, si Haru 'to"kapatid natin"hinalikan ko ang kanyang noo"maayos na ba pakiramdan mo?"

"Ate, kanina pa yang tanong mo"ngumiwi siya at hinawakan ang kanyang salamin"akala ko wala na"huminga siya ng malalim.

"Gusto'ng gusto mo talaga yan, ha?"

"Oo, ate, ito ang unang regalo na natanggap ko sa pangalawang kaibigan"

"Pangalawa? Sino una?"

"Ikaw, malamang"

"Hey, bro, what's up?!"sumingit si Hades at patapon na umupo sa harapan ni Haru dito sa kama"are comfortable here?"

"Dito kayo nakatira?"galak na tanong ng kapatid ko.

"Yeah!"tumango si Hades at nilingon ang kanyang dalawang kapatid na tahimik nalang na naka tayo sa gilid"hey, guys, introduce yourselves to Haru"

Agad naman silang nag unahan na lumapit sa kapatid ko at sabay na nag lahad ng kamay"I'm Hiro"nauna iyong bata'ng lalaki"Hiro Ezekiel, nice meeting you, bro"

"Ako rin"naka ngiting nag taas ng kamay si Haru para tanggapin ang kamay ni Hiro ngunit inagaw iyon ni Heri kaya naiwang tulala si Hiro.

"Heri Aluna, nice meeting you-"

"Back off"tinulak siya ni Hiro at agad na hinawakan ni Hiro ang kamay ni Haru.

"Ano ba!"agad na kwenilyuhan ni Heri ang kanyang kapatid.

"Ah! Put me down!"

Napansin ko lang na inangat niya pa ito.

"Hey, stop it! You two are really fighting Infront of Haru?"tumayo si Hades at nilapitan ang dalawa para patigilin.

"She started it first!"

"Nye-nye!"inirapan siya ni Heri.

"Nagugutom ka ba, Haru?"tanong ko sa kapatid ko.

Nilingon niya ako"Oo, ate, hehe, ano pagkain nila dito?"

"Hindi ko alam, hindi pa ako nakakakain"huminga ako ng malalim at nilingon si Hades na kausap ang dalawa"Hades"

Chasing Amidst The WavesWhere stories live. Discover now