52

5 0 0
                                    


Her POV.

Bumalik ako sa itaas ng aking kama matapos makuha iyong suklay.

Tinanggal ko ang tuwalya na binabalot ang aking buhok at nilagay ito sa aking paanan. Tinignan ko ang screen ng aking laptop at nakita don si Heri.

"How's your plan?"tanong niya habang kumakain ng yogurt.

Napa buntong hininga ako sa tanong niya.

Iyong plano ko.

Gusto ko na itigil.

Halatang galit na galit siya sa akin at paniguradong hindi na niya 'ko mahal.

Alangan naman mag tagal pa hanggang ngayon ang nararamdaman niya e hindi nga ako bumalik sa kanya.

7 years pa, I mean, bago ako nakabalik.

"Hey, what happened? How did it goes? You talked na?"

Umiling ako"halatang galit siya sa akin"natigil ako sa pagsuklay at napa hinga ng malalim.

"I already told you naman na before, hindi ba? Don't expect na hindi siya galit sayo matapos iyong ginawa mo"

Hindi lang si Calied iyong iniisip ko, ganon narin sila Ara.

Hindi ko pa sila nakikita. Sadyang inuna ko si Calied dahil sa kanya ako may pinangako bago ako tuluyan na umalis sa kanila.

Hindi ko rin alam kung asan sila. Nakita ko lang muka ni Calied sa isang post ng airline sa Instagram at iyon ngang airline ay kaibigan ni Hades ang owner.

Hades and Heri knows my plans kaya pinilit ni Hades iyong kaibigan niya na ipapasok ako sa airlines na iyon.

Gusto ko makausap si Calied. Gusto ko humingi ng tawad, gusto ko sabihin sa kanya lahat, gusto ko sabihin ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero paano?

Ayaw na niya sa 'kin.

Parang nong first time lang niya ako na nakilala.

Natapos ang usapan namin na madali lang dahil gusto na niya rin matulog.

Papasok ako bukas.

Kahit ano pa iyang sinabi ni Calied sa akin.

Kinabukasan.

Si Hades ang sumundo sa akin para ihatid ako sa airport.

"Tell me when something wrong happens"payo niya sa akin nang makalabas ako sa kanyang kotse.

"Oo na"nginiwian ko siya katapos at sinara ang pinto.

"Bye"

"Bye!"kumaway ako at hinintay ang kanyang kotse na makaalis.

"Is your luggage heavy?"

Napalingon ako sa aking likuran at nakita iyong may-ari.

"Let me carry it for you"

"Ah, hindi na, boss"naka ngiting umiling ako at hinigpitan ang hawak sa dala ko na luggage.

Anyari sa muka niya? May pasa.

"Hey"namewang siya sa harapan ko"we're now friends, no string attached, just friends"seryoso niyang sabi at hinilot ang kanyang dib-dib"I don't wanna get fucked by my cousin again"nahawak niya ang kanyang pisngi"damn, my handsome face"huminga siya ng malalim"alam mo ba kung sino may gawa nito sa akin?"

Umiling agad ako"hindi, boss, e"

"Sino pa ba, edi si Calied!"

Nang masabi niya ang pangalan ni Calied ay nakita ko siya mismo sa likuran niya.

Chasing Amidst The WavesWhere stories live. Discover now