29

7 0 0
                                    


Nang makarating palang ako sa second floor ay agad ko na nakaharap si Hera na natigilan naman nang makita ako. Tumabi siya para bigyan ako ng madadaanan ngunit agad naman siyang naglakad pababa.

Naka ngusong nilingon ko siya.

Nakatayo lang siya ngayon sa harapan ko at nilingon ako"na--nahuli na ba?"kinakabahan niyang tanong.

Naalala ko naman ang nangyari kagabi. Umiling ako"they haven't but they'll try everything they can"

"Baka naman nag kamali-mali pagka describe mo?"

Natawa ako"I'm good at remembering everything, Hera, don't worry, it was right"

Tumango siya"sige, salamat, Calied, balitaan mo nalang si Ara para ibalita niya sa akin"tumalikod siya at umalis na.

Napa ngiwi ako. Ako nalang e.

Huminga ako ng malalim at nag patuloy nalang sa paglalakad.

San ba siya papunta?

Napatanong ako sa aking sarili at nilingon ang hagdan kung saan kami nag usap ni Hera kanina. Nilingon ko ang aking tabi kung saan makikita ko ang kalawakan ng Callope.

Tumigil ako nang malapit na sa classroom at nag baba ng tingin sa ilalim. Nakita ko si Amelia kausap ang kanyang kaklase na kanina ay kinuha siya mula sa akin at sinabi naman ni Ame na mauna nalang ako.

Lumingon-lingon pa ako sa paligid sa ibaba at sakto na nakita si Hera na palabas lang ng building na ito. Nilingon ko si Ame at napa lunok nang maagaw ang atensyon nito ni Hera.

Fuck.

What now, Ame?

Nilingon ko si Hera na halatang hindi alam na naka tingin sa kanya si Ame. Nilingon ko uli ang aking kaibigan ngunit inagaw ng kanyang kaklase ang atensyon nito.

Si Lian pala yon, akala ko kung sino lang.

Agad ako na bumaba at hinanap si Hera. Nag tama pa ang mga mata namin ni Ame ngunit hindi ko na siya pinansin pa at nilapitan nalang ang naka talikod na si Hera.

Agad akong nag tungo sa harapan niya"Hey"kaunti pa akong kumaway.

Nag taka naman siya sa ginawa ko"bakit?"

"Hm, san punta mo?"

"Bakit?"tinaasan na niya ako ng kilay.

"Hehe, wala lang"

Sumama ang muka niya"wala"yan lang ang sinabi niya at umalis na ulit.

Napa buntong hininga ako at tinignan si Ame na wala na at ganon rin si Lian sa pwesto nila kanina.

Did she leave already na?

"Hera"sinundan ko parin si Hera"san ka nga pupunta?"

"Sa langit"

Napa ngiwi ako sa sinagot niya ngunit andito parin ako sa tabi niya at sunod nang sunod lang sa kanya.

"Teka"tumigil siya at hinarap ako.

"Yes?"napa ngiti ako sa kanyang ginawa.

"Ano sinasalihan mo na club?"tanong niya.

"Hm...Animation Club, I'm the leader actually"sagot ko"why? Wanna join?"mayabang ko na tanong.

Umiling siya"hindi"

"Why? Let me teach you how to draw then"suhestiyo ko.

"Ikaw leader e, ayaw ko"huminga siya ng malalim at nag patuloy.

Ang sama naman...hm.

"Wala ka pang nasasalihan?"pahabol na tanong ko.

"Oo"

Chasing Amidst The WavesWhere stories live. Discover now