Here's POV.One month passed and the school already ended this year.
Si Ronan ay kadalasan palagi kong nakikita dahil katulad ko ay pumapasok rin siya sa umaga at gabi ngunit minsan lang iyon at ang ilan naman ay sa gabi nalang siya pumapasok.
Pag umaga naman ay binibisita siya ng kanyang nobya, si Lian, kaya nakikita ko rin ito at pag gabi naman ay napapansin ko silang dalawa sa labas at nag-uusap.
Ang mga pinsan ko naman ay kadalasan ko lang makita ngunit si Xio ay nag u-update naman sa kanyang Facebook account na nag re-review siya para sa entrance exam ng napili niyang kurso.
Si Sav ay pinagpatuloy ang pag-aaral niya sa medicina at gusto niyang mag doctor. Tumigil na rin siya sa kanyang maliit na trabaho na ang pag acting at ang dahilan na sinabi niya lang sa interview sa balita ay bored siya.
Alam ko naman na hindi iyon ang dahilan dahil halatang peke ngunit hindi ko pa natanong sa kanya ang totoong dahilan dahil wala akong time. May trabaho ako at nag re-review din ako para sa entrance exam. Hindi ko rin siya matext o matawagan dahil pag walang time na wala akong ginagawa. Mag pahinga, matulog, kumain, mag linis at ang ipasyal ang sarili...sa paligid ng bahay.
Hindi ako umaalis dahil ako lang mag-isa at ayaw ko namang mamasyal na ako lang mag-isa.
Si Hara naman ay wala ng parinig o pakita sa akin. Kahit si Hades o si Hiz at mabuti naman dahil malaki talaga silang isturbo sa buhay ko.
Nabuhayan ata siya sa sinabi ko sa kanya noon?
Hays.
Minsan ay umuuwi ako para bumisita kayla Tatay at Haru at napansin ko naman na hindi na naninigarilyo ang Tatay at nag to-tongits saka iyong hulog naman kay Ma'am Rica ay tapos na!
Si Calied?
Wala na akong balita pa sa kanya. Matapos ang exam ay sinabi niyang aalis sila papuntang Italy at don muna daw saka naman sila babalik para sa graduation na matagal pa! Kaya matagal pa bago ko siya uli makita.
Ang pinakanakakainis ay sinabi niyang baka don nalang din silang magkakapatid mag-aral!
Halos parang ako lang ang nawalan ng gravity dahil para na akong babagsak agad sa lupa nang sabihin niya iyon sa akin.
Wala ring tawag-tawag dahil sinabi sa akin ng kanyang Uncle na busy siya don at hindi naman niya sinabi kung bakit at nang may time ako para itanong ay hindi niya din alam at hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang kina b-busy niya don!
Pati sa account niya ay hindi ko malaman dahil ang mga post niya lang ay pagkain, iyong Eiffel tower at mga brand ng damit saka sasakyan.
Naiinis naman ako sa nag co-comment sa mga post niya tuwing ang post niya ay nasa isa siyang restaurant.
'he is already dating someone again?!'
Girl, wala ako don para mag date kami.
Ugh! Hindi manlang din siya makapag chat sa akin?
Kaylan kaya siya exact na uuwi? May plano na ako para sa kanya.
Aamin na ako.
"Ate, mas maganda pa pala don sa atin kaysa dito"
Nilingon ko si Haru na naka ngiwing naka tingin sa malagay na daan.
"Sa atin, simento"
Ah.
Andito silang dalawa ni Tatay at si Auntie naman ay ang umuwi na para bumisita sa kanyang pamilya.
"Gusto ko ng umuwi"nilingon niya ako.

YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
CasualeHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...