"San ka pupunta?"tanong sa akin ni Terrence nang mag kaharap kami sa may pinto ng aming classroom."Sa sea side"sagot ko"may meeting mga teachers"dugtong ko pa at tinapik balikat niya.
"Pasama"agad niyang sabi.
"Psh, I wanna be alone"inayos ko ang uniform ko at nag tungo sa hagdan. Tinignan ko ang oras sa aking relo para alamin kung hanggang kaylan lang ako dapat manatili don.
Malapit lang ang sea side sa school. Katabi lang iyon ng parking lot malapit sa restaurant.
Mahangin don kaya maganda ang mag tambay lalo na't kung tahimik at gabi, ganon narin kung malamig. Pag gabi ay malakas palagi ang alon ngunit sa umaga ay minsan lang.
Malinis at marami ang mga food cart at street food. Ang bawal don ay ang mag tapon ng basura kung saan-saan at ang maligo.
Gamit ang aking kotse ay nag tungo ako don mag-isa.
I'll just use my car...I miss this.
Habang nag mamaneho ay naalala ko ang sinabi sa akin ni mama nong una kaya ngayon ay hindi ko na kasama si Icarus at hindi na uli ako grounded.
"He's sick"
Tch, yan kasi.
Hindi mabuti ang lagay niya pero ang mabuti ay ang wala na siya sa tabi ko at tudo bantay sa akin.
Wala namang iba pang makakapag tiwalaan ang mga magulang ko at si Icarus lang ang kayang umintindi sa mga problema at galit ko.
"Good"napa ngiti ako habang naka silip sa bintana. Walang tao sa paligid at tahimik. Kaunti lang din ang mga dumaan na sasakyan.
Tinigil ko ang aking kotse sa tabi at bumaba. Kinuha ko ang aking selpon at wallet para bumili na muna ng snack sa may tindahan.
Tumawid muna ako para bumili. Hindi na ako sa pedestrian dumaan dahil wala namang mga sasakyan na dumaraan.
Bumili ako ng Pepsi na nilagay pa muna nila sa plastic at saka malaking chichirya.
Ang mga upoan sa sea side na solo lang ay pwede mong makuha habang iyong ilan naman ay hindi, katulad nong bench.
Kumuha ako ng isa at umupo sa bench, ginamit ko iyon para ilagay don sa itaas ang mga paa ko habang ine-enjoy ang karagatan.
"Ang lakas naman kumain"
Huh?
Tumigil ako sa pagkain at nilingon ang nag salita"Hera?"
Nakatayo siya sa may kahoy na hagdan mag-isa at naka tingin sa akin.
"Why are you here?"takang tanong ko"wala kayong klase?"naka nguso'ng tanong ko.
Bumaba siya bago sinagot ang tanong ko"meeting"
"Oh, yeah, I forgot"umayos ako ng upo"you followed me?"mayabang akong napa ngisi don"hehe"
"Bibili sana ako ng ballpen kaso wala na silang stock, ang ilan naman, wala at ang ilan ay sarado tapos nakita ko kotse mo kaya...hinanap kita"
Natawa ako"babalik kana sa school?"binaba ko ang aking mga paa sa itaas ng upoan at nilagay iyon sa tabi nitong bench.
"Hindi. Dito muna ako, maganda eh"
Naka ngiting tumango ako sa sinabi niya at tinapik ang inuupoan ko"come, sit with me"
Hehe, she followed!
"Teka, may mga store naman sa harapan ng school at sa cafeteria ay mayron din don nag ti-tinda ng mga ballpen. Naparito kapa?"
Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
RandomHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...