28

8 0 0
                                    


Pareho kaming nanahimik nang pareho na naming narinig ang mga boses at yapak nila papalapit sa amin.

Huminga ako ng malalim at hinawakan si Hera.

"Nakita niyo?!"sigaw ng isa ngunit ang boses nito ay malayo hindi katulad ng iba.

"Hindi e"

"Hanapin niyo nga!"

"Ano ba yan, utos nang utos, hindi nalang siya ang gumawa"

Napa angat ako ng tingin dahil naramdaman ko na may papalapit na yapak sa pwesto namin.

Shit.

"Ang dilim dito...pahiram nga ng selpon"

Bumilis ang pag tibok ng puso ko matapos non.

Natigilan ako nang may marinig na tunog ng mga daga. Hinanap ko iyon at andon na sa unahan kung saan may sinag pa ng ilaw at nang makita iyon nong lalaki ay agad siyang napa sigaw.

"Ah!"

"Ano yon?"tanong ng isa ngunit hindi siya nito sinagot dahil tumakbo agad ito.

Lumapit ang isang lalaki at natawa nang makita ang dalawang daga"bakla talaga"napa iling siya at tumalikod saka umalis.

Naka hinga ako ng maluwag nang mangyari iyon.

Hinintay namin na umalis na sila ngunit nag tagal iyon dahil may pinag-usapan pa sila na hindi ko naman marinig.

"Hayaan niyo na, tara!"

Nang marinig ko iyon ay nag hintay pa ako ng ilang minuto bago nilingon si Hera at sabihin sa kanya na lumabas na kami.

"Let's go"tumayo ako at muntikan pang mauntog dahil sa tangkad ko na ito.

"Baka andiya pa sila"kinakabahan niyang sabi.

Nilingon ko ang harapan at binitawan siya"stay here"nilingon ko siya.

"What? Aalis ka?"pabulong niyang pasigaw na tanong.

"I'll check"mahinang sabi ko.

"Damn you"pinisil niya ang braso ko na kinatawa ko naman.

"Stay here. Whatever happens, don't leave this place"

"Pa---pano kung..."

"Whatever happens...stay in this place and don't leave. If you hear footsteps, don't talk, don't make a noise, stay silent"hinawakan ko ang kanyang mga balikat"stay here"

Tumalikod ako at dahan-dahan na nag punta sa harapan at sumilip. Kumunot ang noo ko at tahimik na bumaba"tch"napa ngiwi ako dahil muntikan ko ng maapakan iyong isa sa dalawang daga kanina.

Lumingon-lingon ako sa paligid at nang walang makita ay tahimik akong nag lakad patungo sa itaas. Sumilip muna ako bago tuluyang pumunta ng itaas.

Pinan ningkitan ko ng tingin iyong daan na dinaanan namin ni Hera. Lumingon ako sa kabila at walang nakita kundi mga tumba na puno na humarang sa daan patungo man sa kung saan.

Nag baba ako ng tingin upang makita ko ang ilalim nitong sirang tulay. Nilingon ko ang pwesto ni Hera at kasunod ang aking likuran.

Nag hintay ako ng ilang minuto pa habang mahigpit ang hawak sa bulsa ng aking sarwal.

"Hera?"nang wala na talaga sila ay bumalik ako sa baba para kunin na si Hera"Hera, it's okay, they're gone"

"Su--sure ka?"hindi ko man siya nakikita ay alam ko naman na natatakot pa siya dahil sa boses nito.

"Yeah, I already waited for some minutes at wala naman na"

"Calied, damn you, pano kung nag hahanap lang sila ng magandang timing?"nang makita ko na siya dahil sa nag lakad siya palapit sa akin ay sinamaan niya ako ng tingin.

Chasing Amidst The WavesWhere stories live. Discover now