Nang mapunta ako sa second floor ay may nakaharap akong lalaki na siyang naka suit na itim at maayos ang tayo saka diritso ang tingin.Para siyang robot.
"Hi"humarang ako sa daan niya. Tumigil naman siya at nag baba ng tingin sa akin"ikaw yong kasama ni Hiz kanina, hindi ba?"
Umatras siya saka siya yumuko"yes, señorita"
"Uhm"napalunok ako"asan siya? Si Haru, yong kapatid ko, asan siya?"
"Ah"umayos siya uli ng tayo at tumabi saka maayos na pinorma sa akin ang daan kung saan ang kwarto ni Haru"ihahatid na kita, señorita"
"Hindi"umiling ako"okay lang, kaya ko na"nilingon ko pa iyon at malapit lang naman"sige, salamat, bro"saka ako umalis at iniwan siyang dong naka tingin lang sa akin na parang wala.
Nang nasa harapan na ako nong pinto ay hinawakan ko agad ang doorknob at naramdaman na hindi naka lock ang pinto.
Dahan-dahan ko na binuksan ang pinto saka binungad sa akin ang madilim na silid. Pumasok ako at tahimik na sinara ang pinto.
Nakaharap ko naman ang mga bintana na bukas ang dalawa. Ang asul na kulay ng malaki at malawak na kurtina na nililipad dahil sa hangin mula sa labas at ang anino ng malaking puno sa harapan ko.
Hindi masiyado'ng madilim dahil sa sinag ng buwan. Napaka-bilog nito ngayon.
Parang sa mga fairytale. Tapos may makikita kang anino ng tao at lalaki pala iyon, sa huli, may development na mangyayari at magiging kayo.
Hindi ko alam ang ilan pang takbo pero yon naman ang ending, psh.
Nabasa ko iyon sa binigay na libro sa akin ni Ara.
Speaking of Ara.
Napa buntong hininga ako at nahimas ang aking braso nang maalala naman sila.
Calied.
Galit kaya siya sa akin dahil hindi ako sumipot? Paniguradong nag text, chat at tumawag na siya sa akin at ako naman ay walang reply.
Kung may selpon lang ako, kausap ko na siya ngayon.
Natigilan ako sa pag-iisip nang may sumulpot sa tabi ng bukas na bintana.
"Hiz?"hindi ako sigurado kong si Hiz ba iyon pero iyon lang ang nasabi ko.
"Kumain kana?"tumayo siya at humakbang palapit sa akin.
Nala hinga ako ng maluwag nang si Hiz nga naman iyon.
"Oo"sinungaling ko"asan si Haru?"
May nilingon siya at nilingon ko din iyon. Nakita ko naman ang kapatid ko na naka higa sa isang malawak na kama.
"If Hades agreed, you cannot sleep besides Haru, okay?"
Nilapitan ko si Haru at hindi pinansin ang sinabi ni Hiz.
"There's a couch here, are you comfortable with it? We cannot put another bed here anymore, this is suppose to be Haru's room"
"Okay na 'ko basta kasama ko lang kapatid ko"umupo ako sa tabi ni Haru.
"He have person doctor and nurses. His nurses are already taking a rest and will knock at the door if there's something they need to do to Haru, like injection or checking his condition"
Nilingon ko siya"pwede ka ng umalis"
"Tch"umiling siya"your nanay said that I'll sleep inside this room to guard you"seryoso niya akong tinignan.
"Hoy, ano ba? Matutulog ako kasama ka?"
Tumango siya.
"Hindi pwede, hindi kita pinagkakatiwalaan"

YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
RandomHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...