Hera's POV."Binilhan ka ni Tatay?"tanong ko kay Haru nang makita siyang may suot na eyeglass.
Inayos niya iyon at umiling"binigay sa akin"
"Nino?"takang tanong ko at nilapag sa mesa ang aking selpon saka hinarap siya.
"Cli"
"Cli?"
Tumango siya uli"Cli pangalan niya, Ate"
"Sinong Cli?"
Nag kibit balikat siya"galing siya rito kasama mga kaibigan at kaklase niya dati"
"Akin na nga"nilahad ko ang aking kamay"tumatanggap ka ng mga bagay-bagay galing sa mga taong hindi mo naman kilala"
Umatras siya"pero kilala ko siya, Cli pangalan niya"
"Ako, hindi ko siya kilala"
"Cli pangalan niya"
"Haru"seryoso ko siyang tinignan.
"Pero ang ganda. Hindi na malabo paningin ko pag suot ko 'to"
Napa buntong hininga ako"Haru, hindi ka pwedeng tumanggap ng mga bagay galing sa taong nakikilala mo palang"pagturo ko.
"Pero..."napa yuko siya"hindi ko na kaylangan gamitin iyong sanga para maglakad"
Haru.
"Ate, nababasa ko narin yong mga libro mo"
Napa poker face ako don. Haru, yong mga libro ko, hindi pa para sayo yon.
"Tapos"linapitan niya ako"bumalik na si Nanay"
...
Napalunok ako nang banggitin niya iyon.
"May nebuliser na ako"masayang sabi niya"hindi ko alam pano gamitin iyon pero tinuroan ni kapitan si Tatay kaya alam na ng Tatay. Sinabi rin ng Nanay sa akin na wag sabihin kay Tatay ma galing sa kanya at bigay lang ni kapitan"
"Haru, may sinabi paba ang Nanay sayo?"
Tumango siya at sandali namang nanahimik"tinanong niya kung...gusto ko bang sumama sa kanya"
"A--ano sinabi mo?"
Napayuko siya"wala"
"Haru"hinawakan ko ang kanyang mga pisngi at pinaangat ang tingin sa akin"ano sinabi mo?"
"Ate, sabi niya, ipapagamot niya mata ko at sinabi niya pang ipapagamot niya rin iyong asthma ko"
Gusto niyang sumama.
Tinapos na namin ang aming usapan dahil dumating na ang aming ama mula sa merkado.
"Tay"agad ko na hinanap ang aking ama dahil nakita ko na kulang na ang pera sa alkansiya ni Haru. Nahanap ko naman siya sa kusina.
"Oh, Hera?"
"Tay, kumuha kaba ng pera sa alkansiya ni Haru?"tanong ko agad.
Yong one thousand don...
"Ah..."nakita ko na napalunok siya"anak, dumating nanaman kasi sila ma'am Rica at humingi nanaman uli ng hulog"
"Huh?"naiwan akong tulala sa sinabi niya.
Sinabi niyang one month at babalik nanaman sila at sinabi niya iyon nong long weekend namin pero may nabanggit din siya na baka mag early siya ngunit hindi ko naman inaasahan na ganon kaaga.
Wala na akong nasabi pa at tulala nalang na umalis.
Bakit one thousand? Five hundred lang dati kinukuha nila sa amin ah para sa hulog sa bahay.

YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
RandomHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...