15

9 0 0
                                    


"So, she must be the newbie that Cabiel and Caliexa was talking about?"

Natigil ako sa pagkain at napa angat ng tingin sa dumating at ang aking ina iyon.

Naka tingin siya kay Hera kaya nilingon ko siya. Ibubuka niya palang ang kanyang bibig para sumagot sa aking ina ngunit tumikhim ako kaagad at inunahan siya.

Tumayo ako"ah, ma, si Hera"tinuro ko pa si Hera.

Hinawakan ni mama ang aking braso at pilit ako na pinaupo pabalik kaya umupo nalang uli ako.

"Hehe, totoo nga, gumanda na taste ni Calied"palihim pa na pinisil ng aking ina ang aking braso habang grabe ang ngiti kay Hera.

"Ma naman"napa nguso ako"hindi ko girlfriend si Hera, ah"sabi ko na at baka iyon ang sunod niya na sabihin.

"Eh? But you never denied Riley to me tapos agad mo siyang pinakilala sakin bago kayo umalis papunta'ng Japan"

"Ma, hindi ko naman talaga girlfriend si Hera"nilingon ko si Hera"hindi ba?"

Tumango siya agad at tinignan si mama"yes po ma'am, hindi po ako girlfriend ni Calied"

Natawa naman si mama"bagay talaga kayo, pareho niyong denideny ang isa't isa"

Narinig ko ang pag pigil tawa nina Alexius at Sav.

Nag lahad ng kamay ang aking ina"I'm Caliya, nice meeting you"

Tinanggap iyon agad ni Hera"Hera po, ma'am, nagagalak din po akong makilala kayo"ngumiti si Hera"Hera Vuentorille po"

Ngumiti ako at inayos ang kanyang upoan saka nilingon si mama.

Kumunot ang noo ko nang makita ang kanyang reaksiyon. Para siyang gulat na gulat habang naka tingin kay Hera.

"Vuentorille?"parehong bumaba ang kanilang mga kamay.

Tumango si Hera"opo"

Sumulpot si papa na may dalang upoan"sweetheart"pinaupo niya ang aking ina.

"Sit down, kid"hinila ko pa paupo si Hera.

"You know Hara?"

Natigilan si Hera at hindi nakasagot"h--huh?'

"Hara Salamandez...Vuentorille is your mother, right?"andon parin ang pagtataka at gulat sa muka ng aking ina.

"Huh..."pahina nang pahina ang boses ni Hera"hindi po, siya lang po nag anak sakin pero hindi po siya ang aking ina"

Sa kanyang tono ay halata parin ang galang ngunit bakas naman na hindi niya gusto ang pinag-uusapan.

"Tss, who gave birth to you is your mother"mataray na sabat ni Amelia.

"Hindi naman siya tumayo bilang ina sakin kaya hindi siya ang aking ina at wala ako 'non"ngumiti siya ngunit halata naman ang lungkot. Nakita ko pa kung paano niya hinawakan ang upoan na parang kinakabahan"Pinanganak niya lang ako ngunit hindi siya naging ina sakin"

Natahimik si Amelia at hindi na sumabat pa.

"Eat"utos ko"continue eating"

Nilingon ko ang aking ina.

"Mom, do you want to eat?"

Nilingon niya ako"huh?..."umiling siya"hindi na, anak, tapos na 'ko"naka ngiting tumayo siya"sige, mag enjoy lang kayong lahat"tinapik niya ang aking balikat at hinawakan si papa saka sila nag paalam at umalis na.

Nilingon ko si Sav at nahuli siyang naka tingin sa kanyang pinsan. Nag baba ako ng tingin kay Hera.

Bumuntong hininga ako at kumain uli"do you watch SpongeBob?"tanong ko at siniko pa siya para malaman niyang siya ang kausap ko"I like SpongeBob and Tom and Jerry"sinilip ko siya"if you have time, Cine tayo"aya ko at tinignan ang aking mga kaibigan"Cine tayong lahat, nood tayo SpongeBob The Movie"aya ko sa kanila.

Chasing Amidst The WavesWhere stories live. Discover now