"Hera?! Is this you?!""Calied..."yong boses niya, nanghihina ito, tahimik at parang pabulong...parang umiiyak.
"Hera? Where are you? Tell me where are you, kukunin kita diyan mula sa kanila, just tell me"
"Ah, so you know I'm with them?"
"Yeah! I talked to that fucking Hades"
"Calied, I'm sorry"
Don ko na nasiguro na umiiyak nga siya...
"Hera, I'm here naman, hindi ba? I already told you to just tell me when you need me, ba't ka pa sumama sa kanila?"napa-upo ako.
Tahimik...tumahimik siya bigla at nag hintay ako para lang marinig na..."Calied, I don't need you anymore"
Huh?...
I don't need you anymore.
I don't need you anymore.
Umiling-iling ako at pilit iyon na tinatanggal sa isipan ko"you can ask me for help hindi iyong sasang-ayon ka nalang sa kanila!"
"Malala yong lagay ni Haru—"
"I know! Pero makakahanap naman tayo ng paraan, Hera, andito sila Sav, sila Ame at Terrence, they'll help you—we'll help you"
"Salamat nalang, Calied, pero buo na ang desisyon ko..."
"Hera!"
"At isa pa, hindi naman ako dapat sumasama sa inyo, lalo na sa 'yo"mapakla siyang natawa.
"Hera"napa hilamos ako sa aking muka"ano ba yang pinagsasabi mo? You hate them, right? You hate Hara, hindi ba? Hera, you hate her, please, don't do this kind of mistake"
I'm begging you...Hera.
"Mahal na mahal mo talaga 'ko?"
"Yes! And you're my friend, remember? We're friends"
"Paalam na, Calied"
"Please..."tumayo ako kaagad"Hera, don't...I'm begging you, don't leave us"
"Babalik ako, Calied, pangako, babalikan kita"
"He--Hera..."
"Bye-bye na, Ice cream, sa susunod ulit..."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na siya narinig pa. Parang nanahimik ang paligid nang matapos ang tawag. Maging tulala lang ako at hindi maka paniwala sa kanyang naging desisyon.
Hera, you are...
Para akong nakakita ng multo sa sobrang tulala. Hindi ako makapaniwala na wala na siya, umalis na siya, iniwan na kami.
Babalik ako, Calied, pangako, babalikan kita
Wag ka nalang umalis, Hera, parang-awa mo na, bumalik kana samin.
Ilang oras akong nandito sa rooftop. Sa nararamdaman ko ay hindi ko binigyan pansin ang malakas na ulan. Kahit mabas pa ang selpon ko ay wala akong pakealam.
Hindi ako umalis o gumalaw manlang sa kung saan ako nakaupo. Hindi ko naman kaya dahil wala akong enerhiya.
Ice cream, sa susunod ulit...
Sa tuwing naalala ko ang mga sinabi niya, naririnig ko sa utak ko ang boses niya na siyang nagiging dahilan para lalo lang akong masaktan.
May part na galit ako sa kanya dahil binaliwala niya lang ng ganon-ganon ang mga sinabi ko sa kanya na gagawin ko ang lahat—tutulong ako ngunit nag tiwala lang siya don sa tao'ng iyon.

YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
RandomHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...