Calied's POV.Pati ang ingay ng mga sasakyan sa labas ng campus ay naririnig parin lalo na kung malapit kalang sa pader na kadikit lang ang pinakadaanan ng mga studyante'ng may mga sasakyan at kung saan din kadalasan tumitigil ang mga taxi para mag hintay ng kanilang panibagong pasahero.
Sa ibaba ko ay nakikita ko ang anino ng dahon ng puno na nagmumula sa itaas. Hindi kalakihan ang puno sa tabi ko ngunit pwede na itong puntahan para mag pahangin at hindi mainitan.
Ang mga usap-usapan ng mga tao sa paligid ko ay tila ba naglalaho na ganon narin ang mga ingay ng sasakyan.
Idagdag ko pa ang init ng panahon sa ingay ng paligid. Dapat kasi suspended na ang klase hanggang sa maging normal nalang ang pagdaloy ng panahon hindi iyong halatang ang init-init ay tuloy lang ang klase.
Sa init ay tinanggal ko na ang aking uniform at hinayaan ang aking kulay puti na sando.
Pinatong ko ang aking isang hita sa akin pang isa at hinawakan pa ito habang hawak ng isa kong kamay ang aking selpon.
Sumandal ako at pinatong naman kasunod ang aking braso sa itaas ng sandalan nitong upoan na gawa sa kahoy.
Kung pwede lang ay ayuko dito ngunit kanina pa ako kinukulit ng aking kapatid na pilitin ang aming ina na bilhin siya ng motor.
She's just 15, gosh, pag-bike nga hindi niya alam tapos papabili pa siya ng motor?
Napa iling ako sa naisip. Is she wondering I'll teach her how to?.
God, busy ako sa school works ko.
Our father won't even dare doing that or even hiring someone to teach her instead. Siya na mismo ang umayaw na magkaroon ng motor o kotse ang kapatid ko sa ganyang edad.
Baka daw kasi pag-uwi niya ay yung angkas niya, jowa niya.
They're not that worried that something might bad happen to her kasi paniguradong professional motor racer pa ang kanilang kukunin para lang sa kapatid ko.
They love us and spoiling us is one of their habits. Kahit hindi namin hiningi basta sa tingin nila ay magugustuhan namin ay kukunin nila para saamin ng kapatid ko.
"Found you"
Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Alexius na ngingisi saakin.
Tinaasan ko siya ng kilay"oh?"binalik ko ang aking atensyon sa aking selpon matapos siyang matanong.
"May irereto ako sayo"
Sa boses palang niya ay paniguradong masaya siyang naka ngisi o naka ngiti ngayon.
Bumuntong hininga ako"not interested"
"Ano kaba, maganda 'to"siniko niya pa ako
"There's no other beautiful human beings in this world except my mother and my sister"seryoso ko na sagot sa kanya
"Ah, I guess you're not beautiful into his eyes, Amelia"
Nilingon ko si Alexius at nakita siyang may tinitignan kaya nilingon ko rin iyon at nakita ang aking babae'ng kaibigan na si Amelia. May dala itong dalawang notebook at suot pa ang kanyang mga hairpin.
"Oh, hey, kanina ka pa ba diyan?"naka ngiting tanong ko saka binulsa ang aking selpon.
Pinan-ningkitan niya ako ng kanyang mga mata bago inirapan"whatever"mataray niyang sabi.
Masamang tinignan ko si Alexius at pinalo pa siya sa kanyang kamay. Tinawanan naman niya ako bilang tugon at umupo siya sa tabi ko.
"Maganda 'to, okay? Bago lang kayla Sav"pabulong niyang sabi
YOU ARE READING
Chasing Amidst The Waves
RandomHera rather prefer to pursue her dream than to pursue someone but Calied was born differently, he believes in 'take the risk or lose the chance' even if there's no chance so if she pushes him away, he'll comeback in any moment to continue pursuing h...