30

15 0 0
                                    


"Malapit na out mo"paalala ko kay Hera nang malapag na mesa ko ang aking inorder na Ice cream. Nilingon ko ang aking laptop kung saan ako nanonood ng isang horror series.

"Oo, alam ko"sagot nito at kinuha ang tray.

"Sinabihan mo na ba mga pinsan mo na sila na ang mag-uuwi sayo palagi?"

Tumango siya"oo, Calied, tapos na"

"Good"napa thumbs up pa ako"I'll stay here to make everything sure"

"Okay?"tumalikod na siya.

May naalala naman ako na sinabi sa akin Savarra kanina sa school kaya pinigilan ko si Hera para itanong sa kanya iyon.

"Hey"tinawag ko siya a tumayo.

Tumigil naman siya at hinarap uli ako"bakit?"

"Sasama kaba sa amin bukas?"tanong ko.

Nag taka siya"huh? Saan?"

"Long story, mag be-beach kami"naka ngiting sagot ko"B-E-A-C-H"

"Ah..."natigil siya"hindi e uuwi ako bukas sa amin"

Napa awang ng kaunti ang aking mga labi dahil sa sinabi niya"oo nga pala"ngumiti ako"ihahatid ka ba ng mga pinsan mo?"

Umiling siya"hindi, sasabay ako kay auntie, uuwi rin siya"

Tumango ako"I see...ano sasakyan niyo?"

"Bus, malamang"

"Akala ko airplane"

Sinamaan niya agad ako ng tingin kaya natawa ako"joke"

"Sige na, may gagawin pa ako, palagi mo nalang akong kinakausap tapos trabaho ko pa"napa iling siya.

"You always reply to me"napa kibit balikat ako"not my fault, talking to you just makes my day more brightly"mahinang natawa ako sa sariling sinabi"sige, ingat ka bukas"kumaway pa ako"ingat sa biyahe mo bukas"

"Ikaw rin. Ingat ka sa outing niyo bukas"

Matunog akong napa ngisi sa sinabi niya at pinanood siyang umalis. Bumalik ako sa pagkakaupo dala-dala parin iyong ngiti ko.

Nanatili lang naman talaga ako don sa restaurant hanggang sa matapos na ang time ni Hera sa kanyang trabaho at hindi nag tagal ay dumating naman si Sav gamit ang kanyang kotse.

Gusto ko na sana na umalis dahil wala naman na si Hera ngunit pinigilan ako ni Sav at sinabi na sasabay siya sa akin papunta sa bahay para ipaalam niya ako kayla mama.

Umupo lang ako sa bench malapit sa parking lot at sinabi ko naman kay Sav na don nalang siya dumaan at don ako mag hihintay.

Nag angat ako ng tingin at nilingon ang pamilyar na kotse na paparating. Tumigil iyon sa harapan ko at bumukas ang bintana sa may driver.

May nilahad si Sav sa akin"Cigarette?"

Napa ngiwi ako at tumayo"I quitted already"kinuha ko ang susi ng kotse ni Icarus.

Nag taka naman siya sa sinabi ko"pardon?"

"Yeah?"inayos ko ang aking buhok at ngumiti"Hera don't like someone who smoke"

Sumama ang muka niya sa sunod na sinabi ko na kinatawa ko naman"asshole!"

Tatawa-tawang nag tungo ako sa parking lot at iniwan siya don.

Malapit na ako sa sasakyan ni Icarus nang matigilan dahil sumulpot bigla si Art.

"Saan outing niyo bukas?"agad niyang tanong.

"Huh?"lutang na tanong ko at nilingon ang sasakyan ni Icarus.

And...Icarus left me again 10 minutes ago, psh, he haven't come back yet.

Chasing Amidst The WavesWhere stories live. Discover now