THE UNOCCUPIED HEART

593 7 0
                                    

MATEO 12: 43 - 45

Title: The unoccupied heart (walang nakatira sa puso)

Unoccupied means – hindi pa nasasakop, hindi pa natitirahan, walang laman.

Maari may mga na encounter tayo o kilala natin mga christians na kagulat gulat ang buhay. Napaka-sipag, masigasig at kamangha-mangha sa paglilingkod sa Dios. Pero bigla nalang naging masama o panget ang kanilang mga pamumuhay.

May isang pastor na nag testimony, dati daw ang anak nya ay kinamamanghaan nya sa paglilingkod--- pero hindi niya alam bakit bigla nalang hindi na nagpapagamit, lagi sumasama sa mga unbeliever friend at gumawa ng mga bagay na hindi magaganda.

Nakakalungkot at nakakapagtaka ang ganitong situation ng isang tao. Again, hindi natin sila hinuhusgahan, sadyang pinag-uusapan lang natin sila…

But this is the reality, na common nangyayari sa loob ng simbahan. Hindi natin pweding isang walang kibo nalamang ang mga ganitong problema ng isang mananampalataya.

And God wants to answer us about this issue. . . sa ganun ay hindi tayo tumapak sa ganitong kalagayan.

Ang ating Panginoon ay gumamit ng panghahalintulad na ayon sa totoong nangyayari.

Isa sa kamangha-mangha na pagtuturo ng Dios ang ituro sa atin kung ano ang mga nangyayari outside in physical world. at ito ay isang pangyayari sa spiritual na mundo.

Again, sabi sa…

 verse 22 “Dinala noon kay Jesus ang isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Jesus kaya't siya'y nakakita at nakapagsalita.”

Take note “hindi ibig sabihin na bulag o pipi ang isang tao ay sinasapian ng masamang spiritu kaya sila ganun. (mali po yun at wag magiging ganun ang pagtingin sa mga ganitong tao) bakit sila bulag o pipi? Sabi ng Panginoon “Para mahayag ang kapangyarihan ng Dios sa kanilang buhay”

sa madaling salita, totoo ang evil spirit, at hindi lang ang tao ang nakatira sa kanyang sarili, ito ay tinitirahan ng Spirit of God o evil spirit, depende kung ang pinapapasok natin sa tin mga puso.

Sa chapter 12, makikita natin kung paano pilit na pinararatangan ng mga Pharisees ang Panginoon bilang isang masamang tao, at kung gaano nila kalubos na ni rereject ang Panginoon sa kanilang buhay.

Means, gaanon sila kasama sa ating Panginoon…at lubos ang kanilang kasamaan sa harapan ng Dios. Cf. verses 33 – 37 ay tumutukoy sa puno at bunga. Kung masama ang puno masama ang bunga.

At verses 43 – 45 pinaliwanag ng Panginoon kung bakit ang isang tao ay nagiging lubos na masama sa harapan ng Dios. Dahil hindi si Jesus ang nakatira sa kanilang puso.

*sasama ang tao kung wala ang spirit of God…

And for us, Sino ang nakatira sa atin puso o meron bang nakitara sa ating mga puso?

*Nagiging walang laman lamang ang puso once na ang Diyos ang nagpalaya sa tao.

2 timothy 2: 25 – 26

25 Mahinahon niyang itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sila'y bigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan at malaman nila ang katotohanan.

26 Sa gayon, maliliwanagan ang kanilang isip at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang kanilang sundin ang kagustuhan niya.

Means, lahat tayo ay alipin ng kasalanan o nakagapos sa mga kamay ni Satan. Kung ano ang kagustuhan ni Satan, siyang ating sinusunod. But when the truth comes, nagkaroon tayo ng kalayaan lalo sa kapangyarihan ng diablo.

GO PREACH: TAGALOG SERMONSWhere stories live. Discover now