Text: Mateo 8: 5 – 13
5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap, 6 “Ginoo, ang aking katulong ay naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan.” 7 Sinabi ni Jesus, “Pupuntahan ko siya at pagagalingin.” 8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, ‘Pumunta ka roon!’ siya'y pumupunta; at ang isa naman, ‘Halika!’ siya'y lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa nga niya iyon.” 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11 Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12 Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.” 13 At sinabi ni Jesus sa opisyal, “Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan.
Original Text:
Jesus pleased to faith of the Roman's captain <Namangha si Hesus sa pananampalataya ng pinunong hukbo ng romano>
Introduction:
Sa bansang korea, mandatory sa kanila na ang mga kalalakihan ay kinakailangan pumasok sa military training. They required na pumasok sa gusto man nila o hindi, mayaman o mahirap man sila.
Ang layunin ng bagay na ito ay kapag may urgent war agad silang makakapag send ng mga military dahil lahat ng kalalakihan sa kanila ay nakapag take ng military training. And habang sila ay nasa military training, doon ay mas nadedevelop yung discipline at pagiging makatao, makabayan at maka Diyos.
Ganun din naman sa atin, pinipilit ng ating pamahalaan na maisakatuparan ang military training service. Bagamat, maraming mga kalalakihan ang broken hearted at hated ang ganitong military training.
Pero syempre! Kung ang layunin naman ay security for the nation and discipline ay napaka ganda ng ganitong proyekto.
Sa talatang binasa natin, makikita dito ang isang pinunong romano, na lumapit sa Panginoon upang humingi kagalingan para sa kanyang alapin. Napakaganda ng eksenang ito dahil bihira at kagulat gulat ang pangyayari, sapagkat isang roman army ang lumapit sa ating Panginoon at ito romano ay isang pinuno na kung saan ay mayroon siyang nasasakupan din.
Pinapakita sa talatang ito, kung paano niya ipinakita ang kanyang pananampalataya sa Diyos.
Question
What lesson do we learn about the faith of Roman's captain?
I. ANG PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA NG PINUNONG ROMANO.
A. ITINURING NIYANG MABABA ANG KANYANG SARILI SA HARAPAN NG PANGINOON.
Verse 5 Nang dumating si Jesus sa bayan ng Capernaum, pumunta sa kanya ang isang kapitan ng hukbong Romano at nakiusap. Verse 8 ‘…hindi po ako karapat-dapat..”
a. Ang taong ito ay isang “Romano” at “PINUNO”
b. At that time, Ang Israel ay nasa kapangyarihan ng bansang Romano.
c. Kaya itinuturing na biyag ng mga Romano ang bansang Israel.
d. Subalit nagawa parin ng romano na ibaba ang kanyang sarili sa harapan ng Panginoon. <hindi lamang siya nagpakababa>
YOU ARE READING
GO PREACH: TAGALOG SERMONS
RandomI shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for your successfulness to follow the Lord's will. please, support us, thank you! MAY GOD GIVE US MORE W...