Text: 1 Corinthians 3:16-17
TITLE: KEEP OURSELVES PLEASING TO GOD
Good day!
Please open your bible in the book of 1 Corinthians 3:16 – 17….
Don't you know that you yourselves are God's temple and that God's Spirit lives in you? - 1 Corinthians 3:16
If anyone destroys God's temple, God will destroy him; for God's temple is sacred, and you are that temple. - 1 Corinthians 3:17
Ang ating pag-uusapan ay “Panatilihing kaaya-aya ang sarili sa Diyos” (Keep ourselves pleasing to God).
*** Bakit ang tao ay hindi umaabot sa edad na 120 years? Kung meron man, bilang na lamang.
Maari ang sasabihin ng iba? dahil sa madumi ang kinakain! ---- Dahil sa chemical interaction! {tulad ng paggamit ng mga radiation things like Cellphone, o paggamit ng mga alcoholics things, or drugs.} and for Christian faith, dahil sa kasalanan (of course) kaya nga nag less ang buhay ng tao because of Sin.
Lahat ng ito ay tama, marami tayong makukuhang information patungkol sa mga rason nakinahihina ng katawan o nagiging sanhi ng problem ng tao. Hindi natin pweding gawing inocente ang ating mga sarili bakit nagkakaroon tayo ng problema sa ating mga katawan! (TAMA)
Pero nagpapatuloy tayo na parang mang-mang, na gina-gawa parin yung mga bagay na ikasasama ng ating mga sarili? (TAMA?) tayo na mismo ang sumisira ng ating mga sarili.
Tulad ng isang tao na may sakit, pupunta siya sa hospital, magpapa-check up at aalamin kung ano ang ipapayo ng doctor sa kanya. (ang mahal ng check-up, 600 pesos, tanong at sagot lang ang gagawin sayo)
Pero alam ninyo mga kapatid… ang Diyos ay mayroong magandang ipapayo sa atin!
Bakit kinakailangan panatiliin nating kaaya-aya ang ating mga sarili sa harap ng Diyos? (o ingatan ang ating sarili)
I. BECAUSE WE ARE THE TEMPLE OF GOD {Dahil tayo ay itunuturing na tahanan ng Diyos} verses 16a
“Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos…”
Cf. verse 9 “Kayo rin ay gusali ng Diyos..” verse 17 “… kayo ang templong iyan”
Tayo ang itinuturing na tahanan ng Diyos. hindi itong church building, hindi ang Jerusalem temple, kundi ang ating mga sarili.
***Ang tahanan ng Diyos ay tinatayo ng pang-sarili.
Hindi ito groupings na kapag maayos ang pagtayo ng isa sa kanyang sarili ay maayos na din sa lahat. (hindi ganun mga kapatid)
Kanya kanya nating itinatayo kung anong uri ng tahanan ang tinitirahan ng Diyos.
Verse 12 “May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak o mahahalagang bato, mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo o dayami.”
Tayo! bilang tahanan ng Diyos, anong uri ng tahanan itinatayo natin para sa kanya?
Sarili natin ang may responsibilidad na gawing matibay at maganda ang tahanan ng Diyos. o baka naman? Tayo! Giba ang ginagawa natin?
Tulad ng mga pangyayari sa talatang ito…
nagtatalo –talo ang mga Kristyano patungkol kung kanino sila panig. May mga nagsasabi na sila ay kay Pablo, sila ay kay apolos, mayroon ding nagsasabi na sila ay kay Kristo.
At dahil sa ginagawa nila ito ay nag-reresulta ng pagkawasak o pagkasira hindi lang sa kapwa nila kundi maging sa kanilang sarili. Winawasak sila ng ganung pananaw. Sila mismo ang gumagawa ng way para sirain ang kanilang mga sarili.
YOU ARE READING
GO PREACH: TAGALOG SERMONS
De TodoI shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for your successfulness to follow the Lord's will. please, support us, thank you! MAY GOD GIVE US MORE W...