Text: Mateo 26: 36 – 46
Title: Deal with trial
Introduction
Napaka-dami ba nating hinarap na trials this week?
Nalalaman natin na hindi naman nawawala sa tao ang trials (tama ba?)
At paulit-ulit na sinasabi sa atin ng Diyos, ang mga pagsubok ay nagiging bahagi ng pagpapalago o pag-momold niya atin para tayo ay lalong tumibay sa pananampalataya.
ang mahirap kasi sa atin.… alam natin na ito ay pamamaraan ng Diyos, pero alam ba natin ang pamamaraan ng Panginoon, paano niya hinarap ang mga trials sa buhay?
Mas higit at dapat natin tularan ang mga pamamaraan ng Diyos, kung tayo ay humaharap sa mga great trials.
Sa buhay ng ating Panginoong Hesus, naging halimbawa siya sa atin, kung paano hinarap ang mga trials sa buhay niya.
BACKGROUND
Ang sumulat ng alak na ito ay si Mateo, at matatagpuan din naman sa aklat ni Luke at Mark. Kung saan
*binigdyan diin nila paano hinarap ng Panginoon kanyang matinding kalungkutan at matinding paghihirap.
Nakapanood ako ng mga tao na binigdyan ng death penalty. Makikita mo sa mga mukha nila yun matinding pag-iyak at pagmamakaawa.
(show the picture of death penalty)
Syempre pagsisi ang resulta ng kanilang pag-iyak at pagmamakaawa,
Pero iba sa kalagayan ng ating Panginoon, (show the picture of Christ in getsemanie)
maaaring parihas man ng situation “na hindi magbabago kung ano man ang itinakda” pero yung matinding paghihirap at kalungkutan ay hindi bunga ng kasalanan (sapagkat wala siyang kasalanan) kundi resulta ng kanyang malalim na pag-ibig sa tao.
Kaya bago mangyari ang actual suffering ng Panginoon. sinabi niya sa verse 31
“Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat,…”
Naranasan nyo na ba iwanan sa Eree?
(pero hindi ganito kababaw yung paghihirap at kalungkutan ng Panginoon) verse 38 “… ako'y halos mamatay sa tindi ng kalungkutan..” hindi dahil iniwan siya ng kanyang mga alagad.
Kundi, hinirap niya ang lahat ng galit ng kanyang Ama… hindi mukha ng isang mapagmahal na Ama ang kanyang nasilayan kundi yung matinding galit ng Diyos.
Kaya dala dala ng ating Panginoon ang matinding kalungkutan at paghihirap. (Amen)
Kung mapapansin natin…
Dito sinama ng Panginoon si Pedro, James, John, according sa mga scholars, para maging witness sa hirap ng ating Panginoon. maybe yes, pero ang ginawa ng mga disciple ay natulog lang sila at hindi nila sinamahan ang Panginoon na magpuyat at manalangin.
Or maybe, dahil si Peter, John and James ay mga tinatawag na Pilar of the Church, means sila yung magsisilbing pundasyon ng iglesya.
Sila ay nandoon din ng magpakita ang Panginoon kay Moses at Elijah.
Kung bakit sila sinasama ng Panginoon, dahil inihahanda ng Panginoon ang kanila leadership and authority that time will come ang church ay magsa- submitted sa kanilang pamumuno.
Pero sadly to say…
Kung sino pa yung mga tao na inaasahan ng Panginoon na magbantay at makasama sa pananalangin, sila pa yung tulog ng tulog.
Ganun din sa atin may mga tao tayong inaasahang masandalan, makatulong, pero tulog! (means, hindi ngyayari yung mga expection natin sa kanila.)
Meaning to say! Hindi dapat tayo sa tao umaaasa kung humaharap sa mga ibat-ibang problema.
YOU ARE READING
GO PREACH: TAGALOG SERMONS
RandomI shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for your successfulness to follow the Lord's will. please, support us, thank you! MAY GOD GIVE US MORE W...