MAGING MABUTING KATIWALA

176 0 0
                                    

Text: Luke 16: 1-13

Introduction.

(Kindly open your bible in the book of Luke 16: 1 – 13)

Last Sunday, ang ating pinag usapan ay nasa chapter 15, “God is in the Mission” ito isa sa mga problema ng mga pharesees! Hindi nila nauunawaan ang mission ng Diyos.

Another problem for them ay hindi sila mabuting katiwala.

Verse 14 “Nang marinig ito ng mga Pariseo, na mga sakim sa salapi, ay kinutya nila si Jesus”.

Kaya kung mapapansin natin tinuturuan ng Panginoon ang mga alagad na hindi magkaroon ng pagsunod na katulad ng mga pareseo!

Mateo 5:20

Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay katulad ng pagsunod ng mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo, hinding hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.

tayo ay itinuturing na katiwala ng Diyos hindi dapat maging katulad ng mga Pareseo ang ating pagiging katiwala ng Diyos. (Amen)

“Hindi itunuturing ng Diyos na tagumpay ang isang katiwala dahil sa kaniyang edukasyon, likas na kakayahan, o personalidad. Sila ay matagumpay dahil sa kanilang katapatan. Ang pagunahing kailangan sa mga katiwala ay sila’y maging matapat:” – Harvest Institute

             Bukod dito’y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawat isa ay maging tapat.

             (I Corinto 4:2)Sa verses 1-8

Mayroong ginamit na halimbawa ang Panginoon pa tungkol sa isang katiwala at itong katiwala ay hindi mabuti sa kanyang Panginoon.

Ang ginagawa ng masamang katiwalang ito ay nilulustay ang kayamanang pinagkatiwala sa kanya.

Ang malinaw dito ay sinasayang nya ang kayamanan ng kanyang Panginoon na hindi ayun sa kalooban nito.

Ngayon nalaman ng kanyang Panginoon ang masama nyang ginagawa, kaya siya ay aalisin sa position bilang isang katiwala.

Ganun naman talaga, kahit ang mga makamundong tao, kapag ang kanyang katiwala ay hindi mabuti, aalisin nya ito sa kanyang nasasakupan.

-         (illustration: My unfaithful friend)

Pero itong masamang katiwala…

Nagkaroon siya ng realization na kapag siya ay naalis sa position, magiging kawawa ang kanyang kalagayan, at alam nya na hindi siya mag susurvive kapag nawala siya sa kanyang kalagayan.

Kaya mas lalo siyang naging mapandaraya! Nagpakita siya ng malasakit sa mga pinagkakautangan ng kanyang amo!

Para kung sakaling alisin siya ay mayroon tatanggap sa kanya.

Ang pagiging tuso ng masamang katiwala ay nag bigay sa kanya ng kasiguraduhan na mayroon siyang matatanggap kung sakaling siya ay alisin sa kanyang katungkulan.

Isa din sa makikita natin dito ay ang paghahalintulad ng Panginoon sa taong makamundo at sa taong maka Dios. Mas matalino pa daw ang mga maka mundo sa paggamit ng kayamanan ng mundo.

Bakit nasabi ng Panginoon ito?

Dahil doon sa ginawa ng masamang katiwala. Ginamit nya ang pagmamay ari ng kanyang Panginoon para tulungan ang mga tao na may malaking pagkakautang sa kanilang panginoon.

Sa ganun kung ang masamang katiwala ay mangailangan meron siyang matatanggap na tulong doon sa mga taong tinulungan din nya.

Instead na magalit ung kanyang amo, pinuri pa ang kanyang ka tusuhan dahil sa kanyang pagiging matalinong paggamit ng kayamanang hindi naman niya pagmamay ari.

GO PREACH: TAGALOG SERMONSWhere stories live. Discover now