WE FOUND MERCY IN JESUS HANDS

1.7K 20 0
                                    


Text: John 8: 1 - 11

TITLE: We found mercy in Jesus' hands

Introduction

Dapat natin maunawaan na...

*Ang mercy nang Diyos ay hindi naka ayon sa ating kahinaan, pangagailangan, katayuan kundi ito ay katangian ng Diyos upang lubos na maipahayag ang kanyang kaluwalhatian.

Exodus 33:19

"Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan."

Ang mercy ng Diyos ay nagpapakita ng lubos niyang kaluwalhatian.

Nagbibigay siya ng awa sa gusto nyang kaawaan, ang mercy ng Diyos ay hindi isang bagay na makukuha natin sa paraan o nais natin gawin.

Dito sa talata ipinapakita na kung paano ang babaeng nangangalunya ay binigdyan ng Diyos habag. Ito ay walang pagkakaiba sa atin katayuan, tayo ay tumanggap lamang din ng awa ng Diyos.

Ang pangyayaring ito ay walang pagkakaiba sa tinatawag na civil court, ito yung proceseso ng isang taong nililitis kung siya ba nagkasal o hindi.

Napaka intense ng situation ito dahil ang layunin ng mga saducees at Pharisees ay makahanap ng bagay kung saan mapaparatangan ang ating Panginoon.

Hindi talaga justice ang dahilan kung bakit nila iniligay sa kamay ng Panginoon ang paghatol sa babae. Pero nakita natin, instead na judgement ang maranasan ng babae, siya ay tumanggap ng awa sa kamay ng Panginoon.

Ano ba ang mga maaring iparatang laban sa Panginoon?

1. Hyprocrites: Kapag siya ay sumang-ayon at sinabi niya na batuhin ang babae, siya ay makikitaan ng pag-kunwari, sapagkat itinuturo ng Panginoon, awa ang mangingibabaw sa paghatol.

James 2:13 "...ngunit mangingibabaw ang awa sa paghatol."

2. Law breaker: Kung hindi naman siya sasang-ayon maari siyang hatulan na laban sa utos ng Diyos.

Talagang sinikap nila na ilagay ang Panginoon sa isang situation na ang resulta ay laban sa kanya. Ang mga bagay na ginawa ng Panginoon, ay hindi para siya ay makawala sa bitag, kundi lubos natin maunawaan kung paano kumilos ang awa ng Diyos sa atin.

may tatlong bagay paano ipinakita ng Panginoon ang kanyang awa sa babaeng nangangalunya.

I. Tayo ay hindi ipinailalim nang Panginoon sa kautusan. (she was not subjected by Jesus to the law) (vv. 3 -5 )

Dumating noon ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan, 4 at sinabi kay Jesus, "Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 ayon sa kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?

Sa kautusan ni Moises, ang kapag ang babae ay nahuli na nakiki-apid sa lalaki na ikakasal, dapat silang dalawa ay batuhin hanggang sa mamatay. Again, hindi prostitute ang babae, bagkus siya ay nakipag talik sa lalaki na nakatakdang ikasal.

Hindi na kailangan pang litisin kung totoo o hindi ang sinasabi ng mga tao laban sa kanya. Sapagkat "Actual" nilang nakita iyong pagkakasalang ginagawa ng babae.

Samadaling salita, siya ay karapatdapat na parusahan ayon sa kautusan ni Moises. Pero hindi inilagay ng Panginoon ang babae sa ilalim ng kautusan.

*Sapagkat kung kautusan ang mangingibabaw sa hustisya ng Diyos, lahat ng tao ay nararapat parusahan.

GO PREACH: TAGALOG SERMONSWhere stories live. Discover now