Text Lucas 10: 38 - 42
Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, at pumasok sa isang nayon. Malugod silang tinanggap sa tahanan ni Martha. 39 may kapatid siyang si Maria na naupo sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo. 40 Si Martha naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at nagsabi, "Panginoon, balewala po bas a inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nag-iisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako. 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, "Martha, Martha, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, 42 ngunit iisa lamang ang kailangan. Pinili ni Maria ang Mabuti at ito'y hindi aalisin sa kanya.
Intro.
Ang tao ay punong puno ng mga alalahanin sa buhay. Alalahanin sa Pamilya, trabaho, future, studies, pati vacation or day off, may alalahanin. One time, pumunta kami sa Quezon province ng pamilya ko para mag vacation ng 1 weeek. Syempre masaya! Vacation, 1day masayang masaya, 2nd Day, may alalahanin na, 3rd Day uwian na! kasi ubos na ang budget... ang mukha ng nanay ko hindi na maipinta dahil sa subrang alalahanin, paghindi pa daw kami umuwi mauubos na ang puhunan nya. Vacation pero punong puno ng alalahanin.
Means, sa bawat aspeto ng buhay natin ay may alalahanin. Kaya sabi ng Panginoon, Mateo 6:27 "Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa.
Pinapakita dito na hindi tayo ang may control ng oras natin, hindi tayo ang dahil kung bakit nagpapatuloy ang ating paghinga. Sa madaling salita, bawat oras na dumaraaan sa atin ang Diyos ang nagbibigay. Kaya sabi ng Panginoon, "bakit kayo nababalisa?"
Sinabi niya kay Martha "nababalisa ka at abalang abala sa maraming mga bagay"
Kailangan natin maunawaan ano ba ang ugat ng kabalisahan ng puso natin?
Sa buhay ni Martha at Maria makikita natin ang dalawang uri ng tao, isang tao na hindi na babalisa at isang tao na punong puno ng kabalisahan.
Ang pag-uusapan natin...
Title: BUNUTIN ANG UGAT NG KABALISAHANKinakailangan bunutin ang ugat ng damo upang hindi na muling tumubo pa sa tabi ng halaman! Ano ang kabalisahan? Ito ay mga bagay na nagbibigay pangamba o alalahanin sa puso ng tao.
Ano ba ang mga bagay na ugat ng ating kabalisahan?
I. Hindi pagkakaunawa sa nais ng Diyos. (vv. 38 - 39)
Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, at pumasok sa isang nayon. Malugod silang tinanggap sa tahanan ni Martha. 39 may kapatid siyang si Maria na naupo sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo.
Bakit naglalakbay ang Panginoon? Para ipahayag ang salita ng Diyos, turuan ang taong sumunod sa Diyos. verse 39, pumunta ang Panginoon para magturo ng salita ng Diyos. ang nais ng Panginoon ay ipahayag ang salita ng Diyos.
Nababalisa si Martha dahil hindi niya naunawaan ang nais ng Diyos para sa kanya.
Maraming mga tao ang hindi nakakaunawa sa nais ng Diyos. hindi inaalala na ang Diyos ang lumikha sa tao, bagamat ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang tamang bagay para sa tao. Hindi ang lalahanin o problema ang nagbibigay kabalisahan sa puso ng tao. ang ugat kung bakit nababalisa, hindi nauunawaan ang nais ng Diyos. ang nais ng Diyos makinig ka sa kanyang salita, magtiwala tayo sa kanyang salita.
"1 Peter 5: 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo."
Ang Diyos ang nagmamalasakit sa atin. Normal ang mga alalahanin sa buhay pero kasalanan ang hindi pagtitiwala sa Diyos.
YOU ARE READING
GO PREACH: TAGALOG SERMONS
RandomI shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for your successfulness to follow the Lord's will. please, support us, thank you! MAY GOD GIVE US MORE W...