Text: 1 Samuel 15:22-23
Title: Keep the Word of God. (Pag-ingatan ang kanyang salita)
*Sino sa inyo dito na kapag nakipag kwentuhan ay inaabot na ng umaga?
*Sino sa inyo dito na pinapanood parin yung mga palabas na kahit na panood na nya?
*Sino sa inyo dito? Na inaabot na ng umaga ka kachat.
*At sino naman dito na inabot na ng umaga kakabasa ng sakita ng Diyos?
Wow, praise the Lord, ang dami!
Tignan natin bakit napakahalaga ng salita ng Diyos sa buhay natin.
According sa binasa natin.
Inutusan ng Diyos si Saul, na salakahin ang Amalek. Wala silang ititira, mula sangol hanggang matanda, dapat nilang patayin. Lahat ng hari-harian, hayop at iba pa na meron sa mga amalek ay dapat nilang wasakin. (V.3)
Bakit? Dahil ang Pangako ng Diyos! Lilipunin nya ang boung Amalek. Aalisin ng Diyos sa daigdig ang lahat lahat na meron sila. (WIPE OUT).
At ginamit ng Diyos si king Saul, para maganap ang bagay na ito. Pero hindi pinahalagahan ni king Saul ang salita ng Diyos.
Ano aral ng talatang ito para sa atin?
I. Mas mahalaga ang sa salita ng Diyos kaysa sa nais natin para sa kanya.
V.22a “Akala ko ba’y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa ang pagsunod sa kanya?
Kung bakit hindi nakasunod si Saul dahil hindi niya pinakinggan mabuti ang salita ng Diyos. Bagkus mas pinili nya kung ano ang maganda para sa kanya.
Bakit patuloy tayo nagkakasala sa Diyos? Dahil mas nanaig ang kagustuhan natin kaysa sa salita ng Diyos.
Another thing,
Marami gusto sumunod sa Diyos pero walang panahon sa salita ng Diyos.
Ex. Si Marta, pinagsabihan siya ng Panginoon. Abalang abala si marta sa gawain para sa Panginoon pero hindi niya binigdyan halaga ang makinig sa salita ng Diyos.
*Yung mas pinipili natin makipag kwentuhan sa mga kaibigan natin kaysa dumalo sa gawaing kung saan tinuturan tayo ng Diyos.
Kung ano ang nakita ni king saul na mas maganda sa kanyang paningin ay yun ang kanyang ginawa.
kaya ganun nalamang ang kagustuhan ng Diyos na pahalagahan natin ang kanyang salita. Dahil siya mismo ay nagpapakita kung paano niya pinahahalagahan ang kanyang salita.
Yung pagiging faithful ng Diyos sa kanyang salita. Because Jesus is the word of God.
Kung pinahahalagahan natin ang kanyang salita, pinahahalagahan din natin si Jesus.
PANGALAWA….
II. Ang pakikinig at pagsunod sa salita ng Diyos ay kalugod lugod sa kanya.
Verse 22b “mas mabuti ang pagsunod kay yahweh kaysa paghahandog at ang pakikinig kaysa sa haing taba ng tupa.”
We are giving our best na maging kalugod lugod sa Diyos.
Maraming mga churches now a day ay naka fucos sa pagpaparami, pagpapaganda ng church, mga christian events.
They doing these things para maging kalugod lugod sa Diyos. Tama? Pansinin nyo? Mas malaki ang oras ng event kaysa sa oras ng Word of God.
Which is ang pakikinig ng salita ng Diyos ang nagbibigay kalugod lugod sa harapan ng Diyos.
Pero kapag word of God na! Kanya kanya usap, kanya kanya kwentuhan, kanya kanya basa ng messenger.
Paano tayo makakasunod At makikinig ng mabuti kung hindi tayo interesado makinig sa sinasabi ng Diyos.
PANGATLO..
III. Pagsasawalng bahala sa salita ng Diyos ay pagtakwil sa kanya.
V.23 (Read)
Sinasabi dito.. ang pagsasawalang bahala sa salita ng Diyos ay katulad ng paggawa ng mga masasamang gawain.
Tulad ng Pangkukulam at pagsamba sa diyos diyosan.
*Probably, ginamit ito ni samuel as example. . If we read, the book of kings. Mababasa natin doon si Saul ay lumapit sa mangungulam at sumamba sa diyos diyosan.
Galit ang Diyos sa mga ganitong uri na gawain.
Pero kung babaliwalain natin ang salita ng Diyos, wala tayong pinagkaiba sa mangungulam o sa nga tao na sumasamba sa diyos diyosan.
Masama at hindi kaaya aya sa harapan ng Diyos.
*Ang Parusa ng Diyos kay king saul ay aalisin ang paghahari sa kanya.
Tandaan nyo ito mgkapatid...
Ano man mga bagay na pinahahalagahan natin ay aalisin ng Diyos kung hindi natin Pinahahalagahan ang kanyang salita.
YOU ARE READING
GO PREACH: TAGALOG SERMONS
De TodoI shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for your successfulness to follow the Lord's will. please, support us, thank you! MAY GOD GIVE US MORE W...