READ THE TEXT: 1 Peter 4: 7 - 11TITLE: ANG MABUTING TAGA-PANGASIWA NG MGA KALOOB NG DIYOS
Introduction.
Maraming mga tao ang may aking “GALING” subalit hindi lahat nakikinabang sa kanilang natatanging galing. Ang isang taong may magandang tinig subalit hindi naman nya ito ginagamit ay isang malakaing kasayangan. (TAMA)
Tulad nalang ni Pac. Noong makita nya na meron siyang igagaling sa pagboboxing, ginamit nya ang bagay na iyon para magtagumpay sa buhay.
Another person who won victory because of his talents. Ay si Jack Ma, ang president ng Alibaba. One of great testimony… walang company na may gustong kumuha sa kanya dahil siguro sa face nya na unrecommendable.
But when tried to explore everything, he also tried to have his own company “Naging isa siya sa mga hinahangaang businessman sa mundo”. BECAUSE HE use his talent.
Last Sunday “I said” the Glory of God in Christ is provision… means nagbigay ang Diyos ng mga gifts o kaloob sa bawat isa upang tayo ay magkaroon ng privilege (karapatang mapaglingkuran ang Diyos)
HOW SAD TO KNOW, iilan lang sa mga lingkod ng Diyos ang may mabuting pangangasiwa sa kanilang kaloob na tinanggap mula sa Diyos.
Mat. 25: 29 “Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana, ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa”
Ito ay isang parable o talinghaga ng Panginoon patungkol isang hari na pinagkatiwala nya ang kanyang ari-arian sa mga alagad subalit sa tatlong alagad dalawa lamang ang naging tapat sa kaloob na ibinigay ng hari. Kaya sabi ng Panginoon, ang mayroon ay bibigyan pa at magkakaroon ng sagana… subalit taong hindi naging tapat sa kaloob ng Diyos ay lalo pang mawawalan.
Kaya kahit ang tatagal na nating mga lingkod ng Diyos pero hindi parin alam kung ano ang kaloob na ibinigay sa atin. (maari siguro, nagpi-pray tayo kay Lord, then kapag ibinigay na ni Lord, tsaka tayo tumitigil sa paglilingkod)
This is what Paul says to Timothy “1 Timoteo 4:14 “Huwag mong pabayaan ang kaloob na ibinigay sa iyo…”
Ang dahilan bakit ang mananampalataya before ay napaka sipag gawin ang kanilang mga kaloob dahil dito..
Verse 7 “Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay…”
Kaya napaka bilis ng paglago ng isang church dahil ang mindset ng mga mananampalataya “malapit na ang wakas” hinahawakan nila ang pag-asa na maabutan nila ang wakas”
Pero ang mga nanampalataya right now, ay para mga tao sa panahon ni NOAH, abalang abala sa lahat ng bagay. Kinaliligtaan pati pakikinig sa salita ng Diyos…
(sabihin mo sa katabi mo, “GISING GISING DIN PAG MAY TIME”)
My brothers and Sisters in Christ… “WE ARE IN THE LAST DAY” anytime, pwedi nang bumalik ang Panginoon… QUESTION IS? Napangasiwaan ba natin ng mabuti ang kaloob ng Diyos?
Kung hindi pa, this morning ay ituturo sa atin ng DIYOS paano natin ito pangangasiwaan ng Mabuti….
QUESTION: PAANO TAYO MAGIGING MABUTING TAGA-PANGASIWA NG MGA KALOOB NG DIYOS?
I. Kung ang ating kaloob ay palagi natin ipinamumuhay (v.7,10)
Ito ang sabi sa verse 7 “…. Kaya't maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y makapanalangin.”
Sinabi ni Peter “Kaya…. Panatilihin” means, ang pangagasiwa ng Mabuti sa kaloob ng Diyos ay palaging ipinamumuhay.
YOU ARE READING
GO PREACH: TAGALOG SERMONS
RandomI shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for your successfulness to follow the Lord's will. please, support us, thank you! MAY GOD GIVE US MORE W...