GOD DISPLAYED HIS POWER IN US

308 2 0
                                    

Text: 1 Samuel 17: 41 – 47

41 Lumapit si Goliat kay David na pinangungunahan ng tagapagdala niya ng armas. 42 Nang makita niyang binatilyo lamang si David, magandang lalaki at may mamula-mulang pisngi, hinamak niya ito. 43 Sinabi niya kay David, “Aso ba ako at patpat iyang dala-dala mo?” At isinumpa niya si David sa ngalan ng kanyang mga dios. 44 Sinabi pa niya, “Lumapit ka rito at ipapakain ko ang bangkay mo sa mga ibon at sa mababangis na hayop!” 45 Sumagot si David, “Makikipaglaban ka sa akin na ang dalaʼy espada, sibat, at punyal, pero lalabanan kita sa pangalan ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng hukbo ng Israel na iyong hinahamon. 46 Sa araw na ito ibibigay ka sa akin ng Panginoon. Papatayin at pupugutan kita ng ulo. Ngayong araw ding ito, ang mga bangkay ng mga kasama mong Filisteo ay ipapakain ko sa mga ibon at mababangis na hayop, at malalaman ng buong mundo na may Dios ang Israel. 47 Malalaman ng lahat ng nagkakatipon dito na kayang iligtas ng Panginoon ang kanyang bayan kahit na walang espada o sibat. Sapagkat ang Panginoon ang makikipaglaban at ibibigay niya kayong lahat sa amin.”

TITLE: GOD DISPLAYED HIS POWER IN US

Introduction

In our lives we have many and different battles na kinahaharap ng bawat isa. (tama?) at dumarating sa point may mga battles tayong kinahaharap na parang hindi na ayon sa ating kakayanan.

Example: sa taekwondo, ang laban ng mga color belt ay nakabase sa bigat, taas at skills ng players. Pero kapag ikaw ay nasa black belt advance. Aasahan mo na may makakalaban kang subrang taas pa sayo.

Mayroon akong nakita dati, mga nasa advance black belt ang category, yung blue subrang liit, tapos yung kalaban nya matangkad pa sa kanya ng dalawang besis, syempre hindi madali yun… pero alam nyo dahil sa awa ng Diyos, talo siya.. J

Pero ginamit ng Diyos ang buhay ni David para ipakita ang kanyang kapangyarihan. At nagkaroon ito ng malaking impact lalo na sa mga filisteo dahil nakita nila kung sino ang Diyos ng Israel.

Minsan confuse pagdating sa pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Tulad ng isang kanta “Iparanas mo sa amin ang iyong kapangyarihan” ano ang iniisip natin kapag sinasabi natin ang kantang iyon?

Kadalasan nasasabi lang natin kumilos ang kapangyarihan ng Diyos nung tayo ay nagtagumpay na?

*ang kapangyarihan ng Diyos ay nahahayag na sa kalagitnaan ng ating laban

Kaya dapat maging malinaw sa atin kung…

paano ipinapakita ng Diyos ang kanyang kapangyarihan sa gitna ng ating kinahaharap na laban?

I.               Through the strongholds before us (Sapamamagitan ng mga matitibay na pader sa ating harapan) (vv. 41 – 44 )

Read the passage…

Napaka-laki ni Goliat, (picture of Goliat) ang heigh ni Goliat ay between 10 and 9 at si david ay nasa 5. Hindi pa kasama muscle dyan. Means, napaka laking pader o strongholds si Goliat sa harapan ni David.

At napaka impossible sa katawan ni David na mapatumba niya si Goliath. Pero inihanda ng Diyos si David bago ito humarap sa isang matigas at malaking pader.

Verse 34

Ngunit sinabi ni David kay Saul, “Ako po ang nag-aalaga sa kawan ng aking ama. Kapag ang isa sa mga tupang inaalagaan ko ay tinatangay ng leon o oso, 35. Hinahabol ko po ito at inaagaw ang tupa. Kapag hinarap ako ng leon o ng oso, hinahawakan ko ito sa panga at pinapatay. 36. Nakapatay na po ako ng mga leon at mga oso…

Sa pagiging pastol pa lang ni David, siya ay bihasa na sa pakikipag laban sa mga mababangis at malalaking hayop. Pero alam ni David, kaya niya napagtagumpay ang mga iyon dahil sa kapangyarihan ng Diyos na nagliligtas sa kanya.

GO PREACH: TAGALOG SERMONSWhere stories live. Discover now