Warning: Read at your own risk. 18+
Violet's PoV
“Hoy! Hindi ka pa ba uuwi? Out na natin kanina pa. Tayo na ngalang ang tao rito.”
Binitawan ko ang mouse at nag-unat ng daliri kasi kanina ko pa ito hawak.
“Mamaya pa ako. May pinapatapos pa kasi si Sir Castro para mag-present na bukas sa client.”
“Gusto mo ba mag-stay ako rito para samahan ka?”
“Hindi na, Naomi. Uuwi rin naman ako pagkatapos nito. Tsaka may date ka pa kaya mamaya.”
Kita ko ang bahagyang pagngiti nito.
“Hoy! Paano mo alam? Chismosa ka talaga.”
“Sus! Syempre, may tenga ako kaya naririnig ko ang chismisan dito sa office. Sige na, mag-ready ka na para mamaya.”
Mahina kasi ang manok ko na si Pam. Matagal gumalaw kaya ayan tuloy, may nanliligaw na sa kanya rito sa office.
Nagpaalam naman ito kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.
Medyo matatagalan ako kasi marami pang revision ang gagawin. Pinagawa kasi ito sa ibang tao pero mali-mali naman kaya sa akin niya pinasa.
Since mababa pa ang position ko rito, wala talaga akong magagawa kundi tanggapin ito.
“Papagawa kasi late na. Hay nako! Wala pa akong kain tapos hindi pa ako nag-snack kanina. Dapat kasi i-adjust na lang ‘yung schedule na ‘yan.” remlamo ko.
Wala naman sigurong makakarinig.
“On what project are you working?”
Nagulat ako dahil sa biglaang pagsulpot nito.
“Pwede ba kapag gugulatin mo ako, gumawa ka naman ng noise pero hindi dapat creepy. Okay?”
Nag-cross arms ito at kinuha ang upuan ng katabing cubicle ko.
“You didn't answer my question, and my eyes are up here.”
“Hindi! Napuwing lang. Anyway, sa Alcatraz Mansion Project ito at need na raw ipresent tomorrow.”
Nakakastress talaga ang trabaho na ito. Dapat pala naging tambay na lang ako sa bahay at nagpakasasa sa pera nila Momma.
Joke!
Ayaw ko naman kumuha ng position sa company namin kasi parang wala na akong gagawin doon dahil si Sefia na ang humahawak nito.
Nandoon pa rin naman sila Mommy at Momma pero taga-assist na lang sila kay Sefia.
Workaholic pa naman ang isa. Wala nang ibang ginawa kundi magtrabaho nang magtrabaho.
Minsan nga ayain ko siya, mag-suntukan kami.
“Okay, come to my office.”
Umiling naman ako rito. “I can't, mahalaga ang oras at kailangan kong matapos ito ngayon.”
Umurong ito palapit sa akin at hinawakan ang kwelyo ng damit ko.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...